in

Awit ng ating pagkakaibigan – Salamat mga kaibigan

Hindi ko na namalayan                                                                                    

Maraming taon na pala ang nagdaan

Buhat ng tayo’y magpaalaman

At nagkanya kanya ng mga daan

Nangakong mananatiling magkakaibigan

Hangang sa magpakaylan man

Hindi ko na  namalayan

Aking mga mata pala’y luhaan

Habang aking pinakikingan

Awit ng ating pagkakaibigan

Na nagpapaalala sa’ting sumpaan

Na tayo’y laging magdadamayan

alt

 

 

 

 

 

 

Hindi ko na namamalayan

Sa mga araw pala ng kalungkutan

Sa mga panahong naguguluhan

Nandiyan lang kayo sa’king likuran

Nagsasabing “Ika’y may mga kaibigan”

Nagsasabing ” Hindi ka naming iiwan”

Hindi ko namamalayan

Magkakapatid na pala kung magturingan

Kung may problema’t nabibigatan

Mga payo ninyo’y agad nandiyan

Ang isa’t isa  na’y sandigan

Salamat sa pagmamahal mga kaibigan

(by Demetrio-Bong Ragudo Rafanan)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 2.3]

LP Congressman junks RH Bill,.. Milan-based OFWs ok’s

CENSUS. Bukas na rin para sa mga migrante ang mga ‘bando’