in

Baby blues, karaniwang biktima ang mga imigrante

Walang online support, sa kabila ng mga financial, social, cultural problems, na karaniwang biktima ng pregnancy at postpartum depression ay ang mga dayuhang new mothers. Mga dalubhasa, nag-aalala.

Roma, Dec 6, 2012 – Tinatawag nilang “Baby blues” ang pregnancy at postpartum depression. Isang karamdamang tumama sa pagitan ng 55,000 hanggang 80,000 kababaihan kada taon at tila paboritong biktima ang mga mahihinang new moms na imigrante, baon sa financial, social at cultural problems.  

Ito ay ayon sa isang pagsusuri ng Osservatorio nazionale sulla salute della donna (Onda), na naglunsad ng kampanyang “A Smile for Moms”, upang magbigay sa pamamagitan ng research sa mga dalubhasa at mga duktor ng mahahalagang impormasyon ukol sa mental health, pagbibigay ng tulong sa mga kababaihan, counselling center upang makilala ng husto ang karamdaman at magamot ito ng maayos.

Isang convention ang inilunsad kamakailan kung saan ang mga dalubhasa ay binigyang-diin ang halaga ng diagnosis at cures. Si Mariano Bassi, ang direktor ng psychiatric department 2 ng ospital ng Niguarda sa Milan, ay naghayag ng paanyaya sa isang partikular na atensyon para sa mga ina na imigrante.

 “Ang kawalan ng online support ay isa sa mga risk factor na nakakabahala para sa mga imigrante”, ayon sa dalubhasa. “Sa isang siyudad tulad ng atin, kung saan sa huling 30 taon, ang mga imigrante ay dumama mula sa 320,000 (1981) hanggang 5.4 million (2011) at ang natal rate ay dahil sa presenya ng mga imigranteng ina, ang tema ng aspetong kultural ay naaayon sa karapatan sa kalusugan ay hindi dapat ipagwalang bahala, maging ang pregnancy at postpartum depression”

 “Ang mga kababaihang imigrante, lalong higit ang nagmula sa pinakahuling imigrasyon – paliwanag ng psychologist – ay prone sa depression dahil sa pagkakaroon ng mga risk factor. Kabilang dito ang stress, buhat sa proseso integrasyon, language at cultural barrier na naglilimita upang matanggap ang mga public health and social services, at ang kawalan ng family support. Sa kultura ng mga North Africans at South Americans, partikular ang enlarged family, ang feminine figure, ay nagpapakita ng fundamental point of reference. At lalong nagpapabigat ito ng kakulangan sa financial at living conditions”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maitatala rin sa SSN ang mga matatanda na dumating sa Italya dahil sa family reunification

Mga nasawi ng bagyong Pablo, umabot na sa 418