in

Bakit umiiyak ang mga Babae?

Natanong mo na ba ang iyong ina kung bakit siya umiiyak?.

Natanong mo na ba ang iyong girlfriend kung bakit siya umiiyak?

Natanong mo na ba ang iyong kaibigan kung bakit siya umiiyak?

Natanong mo na ba ang kahit sinong babae kung ano ang dahilan kung bakit kapag sila ay nasasaktan ay umiiyak na sila?

Isang kwento ang marahil magmulat sa atin hindi lamang sa dahilan ng pagluha ng mga kababaihan, bagkus pati sa kahalagahan kung bakit nilikha ng Panginoon ang mga babae.

Merong isang bata, tinanong niya kanyang Ina kung bakit siya umiiyak:

Bata: Nay bakit po kayo umiiyak?

Nanay: Dahil ako ay babae.

Niyakap niya ang kanyang anak at sinabing:

Nanay: At hinding hindi mo mauunawaan.

At sinabi ng Tatay sa kanyang anak:

Tatay:  Lahat ng babae umiiyak na lamang kahit walang dahilan.

At ang batang lalaki ay lumaki at naging isang matipunong binata at nasa isipan pa rin niya at laging katanungan sa sarili kung bakit umiiyak ang babae kahit walang dahilan.

At sa bandang huli tinawag niya ang Diyos upang magtanong:

Boy: Ama, bakit po ganon na lamang kadaling umiyak ang mga babae?. Talaga po bang sensitive sila?.

Agad namang sinagot ng Amang Diyos.

Diyos: Nang nilikha ko si Eb , ginawa ko siyang napaka-espesyal. Ginawa kong malakas ang kanyang mga braso upang kayanin niyang pasanin ang bigat ng mundo.

Binigyan ko siya ng pambihirang lakas upang makapagbigay buhay at kayanin ang mga pagsuway ng kanyang anak sa kanya.

Binigyan ko siya ng katatagan upang maging matibay sa lahat ng oras at kayanin ang pangangalaga sa kanyang pamilya kahit may dinaramdam ng walang pagrereklamo.

Binigyan ko siya ng lakas upang pagsisihan ng kanyang asawa ang mga pagkakamali nitong ginawa at maging taga-alaga ng kanyang puso.

Binigyan ko siya ng katalinuhan upang malaman na ang mabuting mister ay hindi sinasaktan ang kanyang misis, pero minsan sinusubok ang kanyang katatagan at magawang maayos ang anumang gulo sa kanilang pagsasama.

At pang wakas, binigyan ko siya ng “Luha” upang ilabas ang kanyang hirap na nararanasan at kanyang gamitin sa tuwing siya ay nawawalan ng lakas.

Nakita mo anak?. “Na ang kagandahan ng isang babae ay hindi makikita sa sinusuot niyang damit, sa kanyang dinadalang katawan, o sa paraan kung paano siya magsuklay, Kundi ang kagandahan nila ay makikita sa kanilang mga mata , dahil ito ang pintuan patungo sa kanilang PUSO, ang lugar kung saan nananahan ang tunay na PAG-IBIG.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Oo Babae, Kakaiba Ka Sa Lahat Ng Nilalang

Colf, maaaring bang magkaroon ng paternity leave?