Matapos ang Induction Ceremony ng Philippine-Italo Frienship Association of Tuscany o PIFAT ang bagong tatag na samahan sa Viareggio noong Nobembre 2009 agad silang kumilos at gumawa ng plano para makalipon ng pondo upang matustusan ang kanilang mga projects ng pagtulong sa mga nangangailangan kababayan.
“Batlle of the Champion Singing Contest “ang kanilang unang naging aktibidad. Ito ay paligsahan ng mga magagaling at champion sa kanya kayang siyudad sa larangan ng pag-awit. Dinumog ng mga supporters at fans ang naturang palabas dahil sa punong-puno at standing room ang Jenco Teatro Darsena na may 500 sitting capacity na ginanap noong Enero 06, 2010 sa Viareggio.
Ang 17 contestant na nagmula sa ibat-ibang lugar sa Italya ay sina Ce Sara Anne Saraza at Rachel Perucho – Roma, Jarwin Dasalla, Rodella Dasalla, Camille Anne Cabalteja – Monticatini, Mary Joyce Candelaria – Livorno, Angelito Lapinid – Pisa, Lailani Bajao, James Hernandez, Sheryl Gasic, Sentiche Remotin at Jonathan Guerero – Firenze, Joanne Webb – Venezia, Margarette Dominic Abiog – Milano, Bobby Ortega – Messina, Charisse Molina – Napoli at Cristine Joyce Tolentino – Bologna. Maaaliw ka at talagang hahanga sa galing umawit ng mga contestant kaya naman nawala ang pagod kahit malayo ang mga pinanggalingan ng mga manonood.
Magagaling man lahat ngunit isa lamang ang tatanghalin champion at ito ay nakamit ni Joanne Webb ng Venizia, pumangalawa si Margarette Domonic Abiog ng Milano at pumangatlo si Lailani Bajao ng Firenze. Sina James Hernandez at Camille Anne Cabalteja ay nabigyan ng consolation prizes. Ang mga mahuhusay na hurado ay sina Mel Briones, Rudy Sudara, Anne Jenco Caldarazzo, Remo Arena, Noccola Gianotti at Cinzia Borreli. Ang donors ng mga plake ay sina Mr. and Mrs. Cris Jimenez at PIFAT Pres. Petronilo Jimenez.
Nagbigay ng special prize ang Smart sa highest txt vote sa mga contestants na napanalunan ni Angelito Lapinid ng Pisa. Cash prizes ang handog sa mga winners at t-shirts sa lahat ng participants sa palarong Hep Hep Hurray ng Smart.Nagbigay din ng consolation prizes sina Antonella Gatpo at Mila Rose Requeno ng PIFAT. Dahil sa naging tagumpay ng okasyon pinangunahan ni PIFAT Pres. Petronilo Jimenez, mga opisyales at mga Miyembro ang pasasaslamat sa mga sponsors tulad nila Manager Elmer Bisquera ng Cityfront Firenze, Imelda Agustin sec. ng Communita Filipina-Livorno, Melchor Gumabao manager ng San Barnaba Basketball team, Caridad Larangan treasurer ng PIFAT, Auditors Emelia Abalos at Noemi Barberan ng PIFAT at sa Smart staff na sina Jojo, Alwin, Kathleen at Jopay.
Nagpapasalamat din sa mga bisitang pandangal sa pamilya Jenco ng Viareggio, GPII MF Nazareth Larido-Pres. Ng GPII Country Italy at Founder Abelardo Corpuz ng Roma, Elite Founder Marlon Artates, Opiyales ng CCFT, kay Elite Guardians ng Pisa at Viareggio Pres. Ronald Galgani. “In Friendship There is Unity, In Unity There’s A Strength” pahabol ni PIFAT Pres. Nilo Jimenez. (Argie Gabay)