in

Beef and Spinach Cannelloni

Sangkap: Meat Sauce

700g giniling na baka,

3 tangkay ng celery, tadtarin

1 malaking sibuyas, tadtarin ng maliit

1 packet ng spinach,tadtarin

1 malaking lata ng whole tomatoes (pelati o polpa di pomodoro) at hiwain

1/3 tasang tomato paste
 (passata di pomodoro)
1/3 tasang fresh cream
 (latte intero)
3 kutarsang tinadtad na basil

1 kutsaritang dried oregano

2 kutsarang lemon juice

6 pirasong bawang, pitpitin at hiwain ng maliit

olive oil

asin

paminta
 
Sangkap: Béchamel Sauce
30g butter

1/3 tasang flour

350ml whole milk

1 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit

parmesan

mozzarella
 
Sangkap:
6 na pirasong cannelloni tubes o 6 sheets ng lasagne

Paalala: para sa dried lasagne, ibabad ito sa mainit na tubig hanggang sa ito ay lumambot na pwedeng i-rolyo.
 
 
Paraan:
1. Sa isang kaserola, maglagay ng olive oil at igisa ang bawang at sibuyas.

2. Idagdag ang celery at lutuin hanggang ito ay lumambot.

3. Ilagay ang giniling na baka at lutuin hanggang maging kulay brown.

4.Idagdag ang chopped tomatoes, tomato puree at dried oregano, pakuluin sa loob ng 10 minuto.

5. Ilagay ang spinach, cream at lemon juice, lutuin sa loob ng 2 minuto at patayin ang apoy.

6. Ilagay ang basil at timplahan ng asin at paminta. Itabi at hayaang lumamig ng bahagya.

7. Sa isang rectangular baking dish, maglagay ng layer ng sauce sa ilalim bilang base.

8. Lagyan ang bawat lasagne sheets ng meat mixture at i-rolyo ito. Ilagay ito sa baking dish at ang dulo ay sa ilalim para hindi bumuka ang rolyo. 
 
Kung gagamit naman ng cannelloni, sundin ang packet instructions at lagyan ang bawat tube ng meat mixture. Mag-iwan ng konting meat mixture para mapunan ang bawat siwang sa pagitan ng bawat cannelloni roll. Itabi ang baking dish.

 
9. Sa sauce pan, tunawin ang butter sa mahinang apoy. Kapag natunaw na ang butter, ilagay ang flour upang mag-form ng roux.

10. Ilagay ang bawang at ibuhos ang gatas ng dahan dahan hanggang lumapot at mawala ang mga buo-buong harina.

11. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng canneloni dish, lagyan ng maraming parmesan cheese sa ibabaw at lagyan ng maraming mozzarella cheese sa ibabaw.

12. I-bake sa 200C preheated na oven sa loob ng 35-45 minuto hanggang ang ibabaw ay magkulay golden brown. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“What’s up Milan?!”

11 Pinoy businessmen, kasama sa world billionaires