Ang bibingka ay isa din sa mga tradisyunal na Pamaskong pagkain na gawa sa galapong, gata, itlog, asukal at baking powder.
Ang bibingka ay maaari ring lagyan ng kesong puti at itlog na maalat habang niluluto. Kinakain ito kasama ang kinudkod na niyog, mantekilya, at asukal; at malimit tuwing almusal o meryenda. Kapag panahon ng Kapaskuhan, karaniwang ibinebenta ito, kasama ng salabat, sa labas ng mga simbahan para sa mga galing ng simbang gabi.
Sangkap
2 gatang na malagkit
isa at kalahating tasang asukal na pula
dalawang niyog na gagatain
isang kutsaritang asin
mantekilya
baking powder
dahon ng saging
Paghahanda
Ibabad ang malagkit at gilingin.
Ilagay ang gata sa kaserola o sa lalagyan at saka haluing mabuti ang mga sangkap.
Ilagay ang dahon ng saging na ginupit nang pabilog sa paglulutuan o palayok upang hindi manikit kapag itoay luto na.
Ilagay ang pinaghalong sangkap ayon sa hustong dami.
Lutuin ito sa hurno o pugon na may baga sa ilalim at sa ibabaw upang maging pantay ang luto.
Kapag malapit nang maluto, buksan muli at ipahid ang mantekilya. Lagyan ng hiniwa-hiwang itlog na pula. Katakam-takam tingnan ang makulay.
Muling takpan at hayaang maluto.
Hanguin at ihain na may kasamang ginadgad na niyog.