Manila, Enero 17, 2013 – Lumabas kamakailan sa Rappler.com ang video ng isang apat na taong gulang na si Bogie, isang aso na sanay sa palagiang pag-angkas sa motorsiklo ng kanyang amo.
Ayon kay Gilbert Delos Reyes, ang nakabili kay Bogie na noo’y isang buwan pa lamang sa halagang P100.00, ay maaga nitong sinimulan ang pagtuturo dito. Dalawang buwan ang tuta ng turuang kumuha ng mga bagay, apat na buwan ay natutong makipag –shake hands, pitong buwan naman ay natutong umangkas sa motor at makalipas ang isang taon ay alam na ni Bogie ang sumunod sa mga ipinag-uutos.
“Para ko syang tunay na anak, parang isang partner sa buhay”, masayang kwento ni Gilbert sa panayam.
Rehistrado maging ang helmet na suot ni Bogie sa kanyang pag-angkas sa motor. At kapansin-pansin, bukod sa helmet, ang suot na Ferarri jacket at tinted aviators ni Bogie.