in

Bottom Line with Boy Abunda, Best Talk Show sa ATVA 2011

Ang Bottom Line With Boy Abunda ang nagwaging Best Talk Show sa Asian TV Awards 2011 na ginanap sa Singapore noong December 8.

Itinuturingalt ni Boy Abunda na magandang Christmas gift ang tropeong napanalunan.

Ang The Bottom Line at ang theme song ng True Confessions sa TV5 ang dalawang natatanging Filipino entries na nakakuha ng award sa Asian TV Awards.

Nakaramdam ng pag­mamalaki si Boy nang l­apitan siya ng isa sa mga judges ng ATVA. Bukod sabati nito ay ­pinuri pa nito nang todo ang kanyang programa. Dahil sa ka­ligayahan ­ay halos malimutan ni Boy ang kan­­­yang ­acceptance speech pero hindi raw niya nakalimutang bang­gitin at ipagma­laki ang ­Pilipinas.

With humility, I dedicate this trophy to all of you. To everyone in this country who have a dream. Para po ito sa inyo. At sa atin pong mga kababayan, maniwala po kayo that we have every reason to be proud of this country,” ang mga naging pangungusap ni Boy.

Samantala, bukas diumano si Boy sa posibilidad ng inter­national TV career pero hindi raw niya iiwan ang ABS o ang Pilipinas.

Maliban sa nasabing award, ang paggaling ng kanyang inang may karamdam ang isa ring malaking Christmas gift na natanggap ni Boy ngayon.

Samantala, wala pang ideya si Boy kung may plano pang bumalik sa The Buzz ang co-host niyang si KC Concepcion. Kausap daw niya ito last Sunday sa phone pero wala raw silang napag-usapan kung babalik pa ito o hindi na sa show.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship, kailangang ibigay sa mga ipinanganak sa Italya – Fini

“Huwag kalimutan ang migrante na nahihirapan sa buhay” – Papa