in

BUHAY OFW sa Italya

Buhay OFW ay nakakatuwa kung minsan
Pagal na katawan inihihiga kahit saan
Sa sobrang pagod natutulog kahit sa sasakyan
Trabaho dito, trabaho doon hangga’t kaya ng katawan
Kapag napagod tsaka lang hahanap ng higahan
Pagkapahinga’y bangon, trabaho’y tuloy na naman
Parang SIX MILLION DOLLAR MAN ,lakas ‘di nauubusan
Pinapasok, sinusubukang lahat basta't pagkakakitaan
Maglilinis ng mga salamin ala KARATE KID iyan
Malimit mamalantsa ng mga dami't, mga  IRON MAN

Isusunod mga labahin a MANO ay naku po naman
Magpapasyal ng aso, matatawag pang DOBERMAN
Siya na nagpapakain ng pusa'y CAT WOMAN
Magdamag nagtatrabaho talo pa si BATMAN
Nag aalaga ng mga bata, BABY SITTER si Manang
Mga halaman ay kasakasama, GARDENER malamang
Kasama ng mga matatanda, CARE GIVER si pinsan
DRIVER iyan ng amo, aba naka amerikana iyan
Laging napasok sa hospital, NURSE pala si kabayan
May hawak na hydraulic jack hammer, PIYON si amang
Ayon siya na nakatayo at pa utos utos lang
Naku po, kaya pala ay ang engineer na FOREMAN
Nabubuhay dahil sa kuryente, paano'y ELECTRICIAN
Si Kuya'y maraming lugar ang napupuntahan, sya nama'y SEAMAN
Mga makina at motor kinakalabit, MEKANIKONG naturingan
Minamadaling araw sa karagatan, isa siyang FISHERMAN
Naka uniporme’t may dalang liham, siya'y POSTMAN
KUSINERO sa isang first class restaurant
Ang sarap naman ng buhay nitong kaibigan
Nakaupo't nagbabantay, PORTIERE ang tawag sa ganyan
Sa isang FIVE STAR HOTEL si maestro namamasukan
Distino'y sa Ball Room dahil siya ang PIANO MAN
Mahirap na trabaho't hindi pang BATUGAN
Si sister nagwawalis, paikot ikot parang WONDER WOMAN
Sa lungkot nga lang kapag nabulyawan
Ngiting aso nga lamang pagdating ng katapusan
Pawi agad ang ngiti pagka-padala kinabukasan
Pangalawang linggo bulsa’y wala ng laman
Paano’y may sabit dito at doon na sinusustentuhan
Kung minsan nama’y nawiwili rin sa sugalan
Majhong, tong-it at pusoy swerte’y sinusubukan
Nakikipagbasag ulo kapag nagkadayaan
Sa kalaboso ang bagsak kapag nahila ng mga POLICEMEN
Pag natanggal sa trabaho, napapa ‘bwisit’ naman
Tinitirador sa ngitngit pati ang buwan
Pasuntok suntok sa hangin parang si PACMAN
Sa pag iisip kung bakit ay parang walang katinuan
Napapasayaw parang DANCING QUEEN sa daan
Kung ‘di naman tila tumutugtog na parang GUITAR MAN
Naiiling iling dahil pera’y wala nang mahiraman
Ang pag-asa na lang ay charity ng simbahan
Kung mamalasi'y huli, deport ka nyian
Mag ngingitngit mga 5-6 na nautangan
Kaya magtipid naman kayo mga pinapadalhan
Mag ipon naman para mayroon akong balikan
Masakit isiping matagal na ako sa ibang bayan
Bago man sana na buhay at lakas mawalan
Makabalik sa inyo mga mahal at sa lupang sinilangan

ni: Demetrio 'Bong' Rafanan

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Iba’t-ibang opinyon ng mga Pinoy ukol kay Cardinal Tagle

Ang boom para sa M5S, walang katiyakan naman para sa mga imigrante