Ang Buhay ng mga Ofw sa Italya
B – igat ng kalooban sa paglayo ay nilabanan,
U – masang sa pansamantalang paglisan
H – irap ng buhay ay aalwan,
A – nupa’t tinitiis pagod at lungkot makapagpadala lamang
Y – aong pinagpaguran sa palad ay dadapo lamang
O – ras ay di alintana, magtrabaho at kumita laman ng isipan,
F – erie o bakasyon sa part time ay ginagamit,
W – ag lang ma gutom pamilyang iniwan
S – elfie at Facebook ganging libangan ,
A – ng mga pa tour di man Lang maranasan
I – nang bayan nais muling masilayan, yakap ng pamilya labis kinasasabikan
T – iis pa more, patience pa more, sigaw ng isipan ,
A – ng pamilya sa Pinas tunay na nangangailangan.
L – abis na kasigasigan sa paghahanapbuhay,
Y – aong katawang lupa biglang bumigay
A -t sa ospital doon naratay.
Kapwa ko OFW , katawan ay ingatan.
Kalakasan ating puhunan.
Pananampalataya sa Poong Maykapal ay patatagin,
Kabuhayan natin ay pagpapalain
ni: Grace Ramos