in

Buwan ng Agosto, 260 Pinoys bumisita sa Lourdes at Paris

Limang bus lulan ang may 260 na mga Pinoy, Peru at Italians papuntang Lourdes at Paris noong ika-14 ng  hanggang ika-16 ng Agosto. Mahabang biyahe subalit mababakas sa mukha ng bawat isa ang saya at parang walang kapaguran. Inilaan ang ilang araw na bakasyon upang bumisita sa Mahal na Inang Lourdes na matatagpuan sa Pransya.

altMakasaysayan ang lugar na ito. Pinag-aarian ng Simbahang Katoliko Romano, at may ilang mga gamit, katulad na ng mga gawaing debosyonal, mga tanggapan, mga pangangailangan ng mga maysakit na dumadalaw at ang mga tumutulong sa kanila. Ang Domain o Santuwaryo ng Mahal na Inang Lourdes kasama ng mismong Grotto, ang mga kalapit na gripo na nagbibigay ng Tubig sa Lourdes, at ang mga opisina ng Tanggapang Medikal ng Lourdes, kasama na rin ang ilang mga simbahan at mga basilika.

Ito ay kinilalang pilgrimage site na binibisita ng may milyong Katoliko bawat taon at isa sa pinakalaking pilgrimage sites sa buong mundo. Marami na ang nagpatunay na sila ay gumaling sa sakit dahil sa pag-inom ng tubig at paliligo sa Bath na naidokumento sa  Lourdes Medical Commission.

Sinasabi na simula sa Pebrero 11, 1858, isang 14-taong gulang na magsasaka babae na nagngangalang Bernadette Soubirous ay umano’y nagkaroon ng karanasan sa isang serye ng mga pagpapakita ng isang babaeng bihis sa puti at may kulay-asul na sinturon sa paligid ng kanyang baywang, na sa kalaunan ipinakilala ang kanyang sarili bilang Imaculada Concepción, sa isang pangalan sa pamamagitan ng kung saan ang Birheng Maria ay nakilala.

Sa lupain na mga napapalibutan ng ilog ng Gave de Pau ay isang pagkakahayag ng mga bato na tinatawag na Massabielle, (mula sa masse vieille: “lumang bato”). Sa hilagang bahagi ng batuhan, na malapit sa tabing-ilog, ay isang kakaibang hugis na mababaw na lungga o yungib, kung saan ang mga pagpapakita ng birhen ay naganap.

Sa panahon ng pagpapakita, ang lupain na may kalayuan sa bayan ay ginagamit ng mga mamamayan ng maraming mga gawain gaya ng pagiging isang pastulan, kung saan puwedeng makakuha ng mga panggatong at imbakan ng basura. Ito ay nagkaroon ng paniniwalang bilang isang pangit o di-kanais-nais na lugar.

Ang Birheng Maria ay laging nagpapakita sa isang lugar, isang nakaungat sa mismong bahagi ng grotto, na kung saaan mayroong isang di-karaniwang rosas ang tumutubo. Kasama sa mga utos ng Birheng Maria ay “Pumunta ka at uminom sa buka”, “Pumunta ka sa mga pari na magpalagay ng isang kapilya rito”, at “Papuntahin mo ang mga tao rito.” Ang tatlong utos na ito ay nagpapatunay sa hindi nag-iibang pag-unlad ng Dominyo at sa mga gawain nito.

Sa kasalukuyan, ito’y lugar na kung saan ang mga deboto ay walang tigil sa paglapit na ayon pa sa mga Pilipino na sumama sa pagbisita, halos taon-taon ay may nag-oorganisa upang marating lamang ang Lourdes. Nakipila ang mga Pinoy sa paliguan na may pambabae at panlalaki.

Matapos ang maghapong pagbisita, pagdarasal kasama na ang picture taking at pamimili ng mga souvenirs na pampasalubong, ang grupo ay tumuloy sa Versailles na kung saan ay matatagpuan ang kahangahangang palasyo at napakalawak na garden na punong puno ng mga magagandang bulaklak. Ang iba ay nagsimba at ang iba naman ay pumasok sa mga museums. Enjoy na enjoy ang mga Pinoy at halos napagod ang mga bata sa pag-ikot sa garden.

altMatapos ang ilang oras, kaagad na tumuloy ang grupo sa sentro ng Paris, namasyal at pagkatapos ay tumuloy sa Eiffel Tower, ang simbolo ng Pransya. Sobrang dami ng mga turista at karamihan sa mga Pilipino ay hindi nakaakyat man lamang sa itaas nito.

Maghapong sightseeing, shopping at picture taking na kapansin-pansin ang saya at may dismaya rin dahil sa sobrang init at kulang sa oras.

Ang huling araw ay Disneyland. Araw na para bang pinakahihintay ng mga batang kasama at siyempre mga magulang na rin.

Mismong mga anak ko ay nag-enjoy. Nilibot namin ang halos higit sa kalahating parte ng Disneyland at nakisakay sa mga rides. (ni Liza Bueno Magsino)  

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Parada ng ‘Blood and Honour’, gaganapin sa Roma

Bangkay ng Ofw, dumating sa Pilipinas ng walang mata at walang dila