Madalas ba ito sa mga alagang ibon o dipende sa uri nito kung may kakayahang mangitlog na walang mate sa panahon ng breeding season?
Milan, Marso 15, 2016 – Ang pamilyang de Guzman ay may alagang canary bird na pinangalanang RR na ibinigay ng isang Italian Bird Breeder noong 2014.
Ayon kay Mrs, Arlie de Guzman, sa una aniya ay nagdadalawang isip kung tatanggapin niya ang ibon na bigay ng amo ng kanyang asawa na si Romy de Guzman. Subalit nang lumipas ang ilang araw ay naaliw siya kay RR sa tuwing paggising nito sa umaga ay tila pumipiyok ito sa tuwa at maging sa pagdating nilang mag-asawa galing sa trabaho.
Hanggang nagpasya na ang mag-awasa na ibinili si RR ng magarang hawla at inayos mabuti ang kanyang tirahan.
Hindi naglaon ay unti-unti nilang pinapakawalan ang ibon sa loob ng kanilang bahay, hanggang sa kusa na lang dumadapo sa balikat ng mag-anak. Natuto na rin itong bumalik sa kanyang sariling hawla.
Ayon kay Mrs. Arlie de Guzman, mga karaniwang bird feeds lamang ang pinapakain sa kanilang alagang si RR. Ayon pa sa ilang mga kaibigan ng pamilyang de Guzman na huwag umano pakainin ng tinapay at mga prutas subalit hindi siya nakinig sa mga payo nila.
Sa paglipas ng panahon ay lalong napalapit ang ibong alaga sa nasabing pamilya.
Ilang araw bago nangitlog ay nilinis pa nila ang hawla ni RR dahil binawasan ito ng mga ilan abubot sa loob dahil napasin nilang hindi na kumportable si RR. Naglagay rin sila ng isang ready-made nest sa akalang magiging tulugan ng kanilang alaga.
Sa paggunita ng International Womens Day noong March 8, 2015, tumawag ang anak ni Arlie na nasa trabaho upang ipaalam na nangitlog ang kanilang alagang ibon, at nagtaka kung bakit ito nangyari.
“Mag-isa lamang si RR noong binigay sa amin noong 2014, at simula noong ay wala siyang naging katuwang at kami na lang mag-anak ang naging kalaro niya dito sa bahay”, kuwento ni Arlie.
Ramdam na ramdam ni RR ang kanyang pagiging inahin dahil kapag may inilalapit na anumang bagay o kukunin ay tinutuka niya ang sinumang nagtatangkang lapitan siya. Maging ang mga kaibigan ng pamilyang de Guzman ay nagtataka sa pangyayari.
“Hindi rin ako nagsisi kung bakit tinaggap ko si RR bilang alaga namin dahil malabing siya at sa aking kaarawan ay sinorpresa ako ng itlog at ako ang huli niyang dinapuan sa balikat tila binabati ako ng happy birthday bago kami matulog”, masayang wika ni Arlie.
Maaari pang mangitlog ang ibon hanggang sa 6 na piraso at mahigit dalawang linggo ito tatagal bago mapisa, base sa mga pag-aaral.
“Ngayon alam na naming na female pala si RR,” masayang ani ni Arlie.
May posibilidad na walang laman ang mga itlog ni RR ayon kay Arlie na siyang sinabi din ng mga kaibigan nito, subalit walang planong pisain kahit isang itlog upang malaman kung may laman man o wala at hihintayin na lamang nila ang pagdating ng araw kung kailan ganap na inahin na si RR sa kanyang mga sisiw.
Ikukuha si RR ng isang male canary sa darating na panahon.
ni Chet de Castro Valencia
larawan ni Jesica Bautista