in

Carnevale di Venezia, pinaka-aabangang festival sa Italya

Venice – Pebrero 1, 2013 – Hindi lamang kilala ang Venice bilang isa sa mga pinakaromantikong lugar sa mundo at sa kanyang mga gondola dahil taun-taon ay isa ang Carnevale di Venezia o Carnival of Venice sa pinaka-aabangang festival dito Italya na humahakot ng libu-libong mga  turista sa lahat ng dako ng mundo.

Kahit sinasabing nagsimula ang pagdaraos ng carnevale noong taon ng 1162, dakong 1979 na lang uli binuhay ang pagdaraos nito, makalipas ang 200 taon.

Halos 3 linggo ang pagdaraos ng pistang ito at nagtatapos sa tinatawag na Shrove Tuesday o ang araw bago ang Ash Wednesday.  Para sa taong 2013, nagsimula noong ika-26 ng Enero at magtatapos sa ika-12 ng Pebrero. Pagsusuot ng mga makukulay at nag-gagandahang mga maskara ang highlight ng pistang ito. Bukod ditto, ay matutunghayan sa Gran Teatro sa Piazza San Marco ang ilan pang mga events kagaya ng Best Masked Costume Contest, ang beauty contest na Feast of Maries na kung saan ang mananalo ang siyang magiging anghel para sa Flight of the Angel na kung saan naman makikitang bababa mula sa bell tower ng Basilica di San Marco.

May ilang mga maskara ang tradisyonal na isinusuot sa Carnevale – ang bauta, moretta, Mattacino, Arlecchino, Sad/Happy, Columbina, Medico delle Peste at Volto ay ilan lamang sa mga ito. Ito rin ang malimit na binibili ng mga turistang dumadayo para sa kanilang souvenir. Lingid sa kaalaman ng nakakarami, ang mga maskara ring ito ang nagsilbing dahilan sa pagkawala ng selebrasyon ng Carnevale bandang 1700 dahil sa pagbabawal sa pagsuot ng mga ito. (ulat at larawan ni Jacke de Vega)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

1,500 euros sa sinumang magtatanggal sa colf, caregiver at babysitter

Programa ng Pdl at lega Nord sa mga imigrante, pagtugis sa mga undocumented lang