in

Carta Identità Elettronica, paano magagamit tulad ng SPID?

Posible nang gamitin ang CIE o carta d’identità elettronica para sa mga online services ng Public Administration. Ito ay dahil sa isang decree na nagkaroon ng bisa noong Marso. 

Narito ang mga hakbang na dapat sundin kung paano magagamit ang CIE tulad ng SPID.

Authentication Level

Ang lahat ng public digital identification tulad ng SPID, CIE at CNS, ay may tatlong lebel. Ang level 1 ay binubuo ng username at password. Ang level 2 ay may second authentication factor, ito ay isang temporary code na generated ng mga smartphone. At ang level 3 ay maykaragdagang seguridad. 

Ang Spid ay encrypted key na ginagamit sa digital signature. Ang Cie, o carta identitàelectronica ay may integrated micro chip. Hanggang sa ngayon, ang CIE ay nagagamit lamang sa third authentication level. Sa bawat access, ay kailangang ilapit ang card sa smartphone na may CIEid app. 

Ang proseso

Upang makatugon sa simplification process, ang dekreto noong 2022 na nagkabisa lamang nitong Marso 2023, ay nagpapahintulot sa CIE sa una at ikalawang lebel tulad ng SPID. 

Upang magawa ito, ay kailangang mag-log in sa website www.cartaidentita.interno.gov. Kung hindi pa nagamit ang CIE sa anumang online service, ipinapayo ang alternatibong opsyon sa pag-activate nito sa pamamagitan ng paglalagay ng codice fiscale at ng serial number ng card (na matatagpuan sa bandang kanan sa itaas na bahagi ng card) at lalabas ang captcha.

Kailangan ding ilagay ang card PUK. Upang ma-activate ang mga serbisyo ay kakailanganin rin ang card PIN. Tandaan na ang kalahating bahagi ng Pin at Puk code ay nasa papel ng application ng releasing ng CIE. Samantala ang ikalawang bahagi naman ay ibinibigay kasabay ng CIE. 

Sa puntong ito, maaaring piliin ang CIE bilang alterbatibo sa mga website at app ng Public Administration 

Samantala, kung nagamit na online ang CIE, ay kailangang piliin, matapos mag log in sa website cartaidentita.interno.gov, kung paano matatanggap ang second authentication level: via sms o sa pamamagitan ng QR Code. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Decreto Lavoro, aaprubahan sa lalong madaling panahon

April 27, feast day ni Saint Zita, ang patron ng mga kasambahay