Ano ang credit card? Totoo ba na kombinyente o dagdag alalahanin lamang? Ang credit card ay isang financial tool sa pananalapi upang magbigay ginhawa sa pamimili. Kaakit-akit sapagkat maaaring bumili muna, at magbayad sa huli. Narito ang mga dapat alamin tungkol credit card at wastong paggamit nito.
May tumatawag ba upang kayo ay alukin na gumamit ng credit card? Ano ang mga dapat gawin? Kung tayo ay karaniwang gumagamit ng facilities ng mga private financial facilities, ilan sa atin ay nahikayat na, na gumamit ng credit card. Ang payo, magsaliksik at alamin ang mga fees and charges na napapaloob dito. Narito ang ilang gabay tungkol sa mga credit card charges and fees.
Credit card charges and fees
Mahalagang alamin ang mga charges at fees na ipinapataw ng mga bangko na kabayaran sa pagbili ng mga bagay at serbisyo nang hindi muna binabayaran. Sabi nga, walang bagay ang dumadating ng libre. Dito pumapasok ang interest at iba pang bayarin. Ang tubo o interest sa credit card ay paraan ng bangko upang kumita. Tandaan na ang bangko ay naniningil sa pangungutang nang higit sa limitasyon(Over-limit fee) nahuling bayad (late payment fee), paunang utang(cash advance). Dagdag pa rito, ang yearly interest rate charged (Annual Percentage Rate APR),periodic rate sa bawat billing cycle (periodic rate), annual fees, at iba pa.
Mga Gabay tungkol sa credit card at wastong paggamit nito
Narito ang mahahalagang gabay sa responsableng paggamit ng credit card:
- Bayaran ng buo ang balanse
- Alamin kung kailan matatapos ang panahon na hindi kailangang magbayad ng interest
- Bayaran ang credit card sa takdang oras
- Iwasan ang pangungutang ng sobra sa limitasyon ng kredito.
Mga dapat gawin kung magkakaroon ng problema sa pagbabayad
Kung hindi kayang bayaran ang minimum, huwag itong balewalain sapagkat maaaring magdulot ito ng mas malaking problema, tulad ng:
- Mas mataas na interes;
- Mas mataas na minimum na kabayaran;
- Pagkawala ng mga pribilehiyo sa pagcharge;
- Mga singil sa nahuling pagbabayad;
- Pagkasira ng credit score
Narito ang mga kailangang gawin
Sumahin ang kita at gastusin. Kung hindi kayang bayaran ang minimum payment, kinakailangang magdesisyon kung magkano ang ilalaan ayon sa kakayahang magbayad.
Tawagan ang kumpanya at siguraduhin na malinaw na maipapaliwanag bakit hindi kayang bayaran ang minimum; magkano ang kayang bayaran; kailan maaaring masimulan amg normal na pagbabayad.
Isaalang-alang ang credit counseling kung kinakailangan ng karagdagang tulong. (ni: Haira Aveceda)