in

CROCOBURGER dinudumog sa EXPO 2015 Milan

Kung noon ay sikat ang “ham”burger, panahon na upang tikman ang “croco”burger!

Milan, Hulyo 29, 2015 – Patuloy pa ring dinadayo ang 6 na buwang Expo 2015 sa Milan, at sa ikatlong buwan nito, sa unang pagkakataon ay naipasok ang kaiibang burger na matatagpuan sa Zimbabwe Pavilion ng Expo.

Kung madalas tayong kumakain ng “ham” burger, puwes, mayroon ng tinatawag na “croco”burger na ipinakikilala ng bansang Zimbabwe, South Africa.

Ang CROCOBURGER, ay ang karne ng crocodile o buwaya mula sa crocodile farm ng nasabing bansa partikular sa lake Kariba kung saan doon isinasagawa ang crocodile culture.

We feed the crocodiles with soya instead of meat that is why the crocodile meat are so tender similar with fish and chicken”, ayon kay Georges El Badaoui, Consulate A.H. Republic of Zimbabwe sa panayam ng Ako ay Pilipino.
 
Sa 25 grams ng bawat 100 grams ng karne nito ay mayroong protina at omega 3, 6 at 9.

Ito ay naging certified product pagkatapos sumailalim ng intensive laboratory test kung kaya’t tinaggap din ito ng bansang Italya.

Mula sa kapanganakan ng buwaya ay umaabot ito ng 2 hanggang 3 taon gulang at kinakatay na ito.

Nagkakaroon na ng kakulangan sa supply ng mga cultured crocodiles sa Zimbabwe dahil na rin sa demand nito sa Zimbabwe kung kaya’t sila ay bumibili sa mga crocodile farms sa bansang China, Japan, USA at Canada.

Sinabi pa ni Badaoui, bumibili din sila ng mga buwaya sa Pilipinas subalit ang karne nito ay may katigasan.

We understand why the meat is not tender because some of the crocodiles being bought are already more the age in the time for it to be slaughtered”, dagdag pa ni Badaoui.

Sa pagluluto ng karne nito ay inihalintulad din sa mga karaniwang burger na binibili ng publiko.

Ang nasabing pagkain ay pinapalaman sa ban na may keso at zucchini, kamatis at may isang “secret sauce” na ayaw nilang ibunyag sa publiko na gawa ng nagngangalang Aida, isang chief cook sa isang international hotel sa Zimbabwe.

Ayon pa sa Consul, maliban sa processing the ground meat ng buwaya, ang balat nito ay ibinebenta naman sa mga bansang gumagawa ng mga bag, sinturun,wallet, sapatos at iba pa.
 
Samantala, ayon sa mga nakabili at nakatikim na ng crocoburger ay sinabing lasa itong manok at hindi ito malansa tulad sa unang impresyon ng mga first timers, kabilang ang Ako ay Pilipino na tumikim din nito. Pagkatapos naman kumain ay binibigyan ng certificate ang mga nakatikim bilang patunay na nakakain na ng crocodile meat.

Katerno nito, ayon kay Georges, ang pag-inom ng isang malamig na “Baobab”, isang energy at healthy drink pagkatapos kumain ng burger.

Ayon kay Badaoui, sa pagtatapos ng Expo sa buwan ng Oktubre ng taong kasalukuyan ay plano nilang i-market ito sa mga Italian restaurants at sa buong Europa maging sa mga iba’t ibang bahagi ng mundo.


 

ni Chet de Castro Valencia
larawan ni Jesica Bautista

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

BLUE FALCON Montecatini 1st Bowling Tournament, tagumpay

Unified document para sa citizenship ng anak ng mga migrante, isinumite sa Kamara