Dapat lamang nating pag-isipan
at lagi na ring tatandaan
na sa tunay na magandang samahan
ang pinakauna’y kabutihan ng karamihan
(at) lagi nang nahuhuli ang pansariling kapakanan
upang lalo pang tumatag, magtagumpay ang kapatiran
Dapat lamang nating aminin
‘di lahat ng gusto’y pwedeng gawin
kahit na ano pang sabihin
lalo na’t may mga dapat sundin
halina’t balikan at bigyan pansin
mga kautusan at alituntunin natin
Dapat lang tayong magkaisa
sa kaisipan, galaw at diwa
ito’y ipakita sa gawa’t ‘di lang sa salita
ating pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa
‘di lang magkakaibigan kundi magkakapatid pa
patnubayan sana tayo ng Diyos na pinakadakila
Dapat lang nating iisipin
ating pananaw at adhikain
nawa’y maging mga gabay natin
para magawa’t maabot mga mithiin
at lalo pang magbuklod sa atin
sa paglilingkod sa Diyos at bayan natin
ni: Demetrio-Bong Ragudo Rafanan