in

FAQs ukol sa bagong dekreto mula March 15 hanggang April 6

zona rossa decreto Ako ay Pilipino
FAQs ukol sa bagong dekreto mula March 15 hanggang April 6

Maliban sa Sardegna, simula ngayong araw, March 15, ang Italya ay muling sasailalim sa higit na restriksyon batay sa bagong dekreto. Ito ay upang agapan ang muling pagdami ng mga kaso ng Covid19 at ng mga variants nito. Partikular, ang pagsasailalim sa buong bansa sa zona rossa sa mga araw ng April 3, 4 at 5. 

Narito ang mga FAQs sa pagpapatupad ng mga restriksyon. 

Maaari ba akong magpunta sa bahay ng aking kapatid? 

NO. Sa zona rossa ay esklusibong pinahihintulan lamang ang sirkulasyon o spostamenti dahil sa trabaho, kalusugan at pangangailangan, pati na rin ang pagbalik sa sariling tahanan (residenza, abitazione o domicilio).

Mula March 15 hanggang April 2 at sa araw ng April 6 ay ipinagbabawal ang pagbisita sa kamag-anak o pagpunta sa bahay ng kaibigan maliban kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan at pangangailangan.

Halimbawa: Ang pagbisita at pagpunta sa ibang bahay na pinahihintulutan ay ang pagtulong sa mga tao (maaaring kamag-anak o kaibigan) na non self-sufficient tulong. Sa kasong ito, ay may pahintulot ang 1 adult at maaaring kasama ang 2 menor de edad. 

Para naman sa April 3, 4 at 5, (kahit sa zona arancione) ay pinahihintulutan ang pagpunta sa ibang bahay sa ilalim ng ilang kundisyon: 

  • Ito ay matatagpuan sa parehong rehiyon,
  • isang beses lamang sa maghapon, 
  • maximum ng 2 katao at ang menor de edad ay hindi kasama sa bilang, 
  • sa pagitan ng 5am hanggang 10pm.

Sa zona rossa at sa zona arancione ay kailangan palaging patunayan ang dahilan ng paglabas ng bahay o sirkulasyon, sa pamamagitan ng Autocertificazione. Ito ay maaaring ihanda na bago nag lumabas ng bahay o trabaho. Ito ay maaaring ibigay din ng awtoridad sa oras ng kontrol o pagsusuri sa kawalan nito. Ang autocertificazione ay kailangang ihanda rin sa oras ng curfew mula 10pm hanggang 5am.. 

Maaari ba akong magpunta sa Simbahan? 

May pahintulot din ang pagpunta sa pinakamalapit na simbahan o lugar ng pagsamba sa zona rossa. May pahintulot ang partesipasyon ng mga mamamayan sa kundisyong susunod sa mga ipinatutupad na protokol. 

Maaari ba akong mag-jogging o mag-bike?

Sa zona rossa ay pinahihintulutan ang paglalakad o ang ‘passeggiate’ at ang mag-exercise o physical activities sa outdoor sa kundisyong malapit sa sariling tahanan at igagalang ang 1 metrong social distance. 

May pahintulot naman ang sport activity sa loob ng Comune sa zona arancione mula 5am hanggang 10pm, sa kundisyong indibidwal ito at sa outdoor. Kung nagjo-jogging o nagbibisikleta, ay maaaring ‘tumawid’ sa ibang Comune sa kundisyong ito ay para sa layunin lamang ng sports at ang destinasyon ay ang parehong lugar ng simula nito”

Maaari ba akong mag-agahan sa bar?

HINDI. Sa mga bar at restaurants sa zona rossa at arancione ay ipinagbabawal ang konsumo sa loob ng mga ito. Mula 5am hanggang 6pm ay may pahintulot ang take out sa mga bars at hanggang 10pm naman ay may pahitntulot ang mga restuarants. Ang home deliveries ay walang limitasyon sa oras. 

Maaari ba ang mag-shopping sa zona rossa?

Ang mga commercial activities ay sarado sa zona rossa. Mananatiling bukas lamang ang mga negosyo na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo, tulad ng pagkain, gamot at iba pa. 

Maaari bang magpunta sa bahay ng kamag-anak sa zona arancione?

Sa zona arancione, simula March 15 hanggang April 2 at sa araw ng April 6, ay pinahihintulutan ang sirkulasyon o movement sa loob sa Comune sa mula 5am hanggang 10pm, kahit ang pagbisita sa bahay ng miyembro ng pamilya, kamag-anak at kaibigan, ng isang beses sa maghapon at maximum ng 2 katao, at 2 menor de edad.

Para naman sa April 3, 4 at 5, (kahit sa zona arancione) ay pinahihintulutan ang pagpunta sa ibang bahay sa ilalim ng ilang kundisyon: 

  • Ito ay matatagpuan sa parehong rehiyon,
  • isang beses lamang sa maghapon, 
  • maximum ng 2 katao at ang menor de edad ay hindi kasama sa bilang, 
  • sa pagitan ng 5am hanggang 10pm.

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Autocertificazione, narito kung paano sasagutan

Mga Siklista sa Roma, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo