Ang Ginisang Monggo ay isa sa mga paboritong ihain tuwing Mahal na Araw.
Ingredients:
1 tasang mongo beans
4 na tasang tubig
2 kutsaritang vegetable cooking oil
5 cloves ng bawang, pinitpit
1 pirasong medium-sized na sibuyas, pinino
3 pirasong medium-sized na pulang kamatis, hiniwa
¼ kilong hiniwang baboy
¼ tasa ng ampalaya, hiwa ng maliit
1 tasang dahon ng malunggay
Pamamaraan:
1) Hugasang mabuti ang mongo.
2) Ibabad sa tubig at tanggalin ang mga lumulutang na mongo.
3) Sa isang kasirola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
4) Idagdag ang hiniwang baboy.
5) Ibuhos ang beans na may tubig. Pakuluan at haluin hanggang lumambot ang mongo.
6) Idagdag ang hiniwang ampalaya at pakuluan ng 2 minuto.
7) Idagdag ang malunggay at alisin ang kasirola mula sa apoy.