Manila – Ayon sa Nielsen TV Audience Measurement, sa full November data (November 27 hanggang 30 ay base sa overnight readings), ay nananatili ang GMA bilang number one free-to-air television channel matapos nitong magtala ng 37.5 total day average household audience share points, mas mataas ng 8.2 points kumpara sa 29.3 points ng ABS-CBN; at mas mataas ng 22.5 kumpara sa 15 points ng TV5.
Kung ipapalagay na may limang katao bawat bahay, aabot sa halos 1.5 milyong manonood sa buong bansa ang lamang ng GMA sa ABS-CBN; at 4.2 milyong manonood naman ang lamang nito sa TV5.
Sa listahan ng overall top 30 programs, 16 dito ang mula sa Kapuso Network at ang historic boxing special na Pacquiao-Marquez III: World Welterweight Championship ang nakakuha ng top spot.
Sa Luzon, kung saan matatagpuan ang 77 percent ng total television households nationwide, pumalo sa 41.3 points ang total day audience share points ng GMA.
Sa Manila na kilalang pag-aari ng Kapuso Network, kung saan naman matatagpuan ang 58 percent ng total television households nationwide, nakapagrehistro ang GMA ng 42.2 share points, 18.9 points na mas malaki kumpara sa 23.3 points ng ABS-CBN; lamang naman ng 25.8 points sa 16.4 points ng TV5.
Mayroong 21 GMA programs sa listahan ng overall top 30 programs sa Urban Luzon, samantalang 22 GMA programs naman ang pumasok sa top 30 sa Mega Manila. Ang Pacquiao-Marquez III: World Welterweight Championship ang nanguna sa parehong listahan. Halos simuin din ng GMA ang lahat ng pwesto sa top 10 list matapos na makakuha ng walong entries sa Mega Manila at pito sa Urban Luzon.
Kabilang sa GMA programs na pasok sa top 10 list sa parehong area ang longest running noontime show na Eat Bulaga, banner newscast na 24 Oras, primetime shows na Amaya, Iglot, Kapuso Mo, Jessica Soho, at Munting Heredera.