in

Green pass, kailangan ba sa pagpunta sa Posta?

Sa pamamagitan ng inaprubahang decreto legge noong January 5, 2022, ay pinalalawig ang gamit ng Green pass kahit sa pagpunta sa Posta at maging sa access sa mga tanggapang pampubliko at branches ng mga bangko, kahit bilang simpleng user. Gayunpaman, naglaan ang gobyerno ng transition period upang mapahintulutan ang mga nabanggit na mag-assess sa bagong regulasyon. 

Hanggang January 31, 2022 ang pagpasok sa mga tanggapang publiko, mga bangko at mga sangay ng Poste Italiane ay nananatiling free access, samakatwid ay hindi kakailanganin ang anumang pass. Nananatiling dapat sundin ang mga health protocols tulad ng pagpasok ng maximum na bilang ng mga tao, pagsusuot ng protective mask mula 6 na taong gulang, physical distancing at madalas na paggamit ng hand sanitizers. Ito ay balido sa zona bianca, gialla, arancione at rossa.  

Samantala, ang mga wokers/staff ng mga tanggapang pubiko at pribado, kasama ang mga empleyado ng Public Administration, post offices, mga bangko at lahat ng work place ay mandatory ang pagkakaroon ng Green pass simula noong nakaraang October 15, 2021.

Simula February 1, 2022, sa pagpunta sa lahat ng Posta sa bansa (halimbawa ang pagkuha ng pensyon), pagpasok sa mga tanggapang publiko at mga bangko ay mandatory ang pagpapakita ng Green pass. 

Ipinapaalala na ang pagkakaroon ng Green pass ay sa pamamagitan ng Covid test. Balido ng 48 hrs ang rapid/antigen test at balido naman ng 72 hrs ang pcr/molecular test. Ang sinumang mayroong Super Green pass (na makukuha sa pamamagitan ng bakuna at paggaling sa sakit na Covid) ay may access sa mga nabanggit na lugar sa pagpapakita ng QR code.  

Bukod dito, simula February 15, 2022 para sa mga workers over50 ay mandatory ang pagkakaroon ng Super Green pass, ayon sa decreto Covid ina inaprubahan noong January 5, 2022. (PGA)

Basahin din: 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagtaas sa halaga ng gasolina sa Italya, pinakamataas na naitala mula 2013

Ako Ay Pilipino

Swab requirement, tatanggalin na sa mga magmumula EU