Panahon na ng bakasyon sa Italya at Europa, panahon na upang makapag-bakasyon ng ligtas sa pamamagitan ng Green Pass.
Narito ang ilang mga katanungan na bibigyan ng linaw ukol sa Green Pass
Simula July 1, ang certificate ay magpapahintulot sa malaya at ligtas na pagbibyahe sa Europa. Sa Italya ito ay magagamit din sa pagpunta sa iba’t ibang okasyon, reception at konsyerto. Ito ay kakailanganin din sa pagbisita sa mga hospital residences tulad ng RSA.
Ang mga nakatanggap ba ng green certificate sa Italya matapos ang unang dosis ay malayang makakapunta sa ibang bansa?
Hindi. Ang Green Pass o Green Certificate mula July 1 ay nagpapahintulot makapagbiyahe sa loob ng EU – nang walang swab test at walang mandatory quarantine – sa sinumang nakakumpleto na ng dosis ng bakuna kontra Covid19 (Pfizer-BioNtech, Moderna, AstraZeneca) o isang dosi ng Johnson & Johnson, mga dalawang linggo pagkatapos ng bakuna. Samakatwid, ang QR code ng unang dosis ay hindi balido sa ibang bansa at kinakailangan na sumailalim sa swab test.
Posible bang magbiyahe na walang Green Pass?
Hanggang sa August 12 ay posible na magbiyahe sa Europa kahit na walang Green Certification at sapat na ang ipakita ang vaccination certificate kung saan nasasaad na naka-kumpleto ng mga dosis, ng medical certificate kung saan nasasaad ang paggaling sa sakit na Covid19 at resulta ng covid test.
Ang mga bata ba ay obligado bang makaroon ng Green Pass sa pagbibyahe sa Europa?
Hindi. Hanggang anim na taong gulang ay exempted sa molecular o rapid test. Samakatwid, ay exempted din sa pagkakaroon ng Green Pass. Gayunpaman, kung sakaling magpupunta sa ibang bansa kasama ang mga anak, ay ipinapayong suriin ang mga panuntunan sa bansang nais puntahan. Sa Spain, ang mga mas bata sa 12 taong gulang ay exempted sa test at mandatory quarantine. Sa France naman ay hanggang 11 taong gulang. Sa Malta ay exempted ang mg abata hanggang 5 taong gulang. Samantala sa Italya ang mga bata mula edad 5-11 ay maaaring makapasok sa Italya kung bakunado na ang mga magulang at kung mayroong negative covid test result.
Ang Green certificate ba ay palaging ipapakita tuwing pupunta sa ibang bansa?
Mayroong ilang exemption. Sa Spain, halimbawa, ang sinumang nais magbiyahe sa pamamagitan ng airplane ay kailangang sagutan ang e-form (48 hrs bago ang flight). Sa Greece naman, kahit bakunado na, ay sasailalim pa rin sa rapid test.
Sa pagbalik sa Italya ay kakailanganin ba ang isang deklarasyon?
Oo. Sa Pagbalik sa Italya mula sa bakasyon sa Europa ay kakailanganin ang magkaroon ng isang profile at ipadala ang mga datos sa pamamagitan ng «Passenger locator form» (available sa app.euplf.eu) na gagawa ng QR code. Ito ay hindi kakailanganin kung ang pagbibyahe ay mas mababa sa 48 hrs.
Magagamit ba sa pagpasok sa Italya ang Green Certificate mula sa Israel, USA, Japan at Canada ?
Oo, magagamit sa pagpasok sa Italya ang Green Certificate mula sa Israel, USA, Japan at Canada. Sa certificate ay kailangang nasasaad na nakumpleto ang mga dosis ng bakuna kontra Covid19 at kailangang tukuyin ang isa sa apat na bakuna na inaprubahan ng EMA (Europe Medicine Agency): Comirnaty di Pfizer-BioNtech, Moderna, Vaxzevria (AstraZeneca), Janssen (Johnson & Johnson).
Basahin din:
- Green Pass, narito kung paano magkaroon
- European Green Pass at Italian Green Pass, ano ang pagkakaiba?
- Pag-iisyu ng Green Pass matapos ang ikalawang dosis ng bakuna, pinag-aaralan