in

HALALAN 2016

Unti-unting umuusad, unti-unting nalalapit 

Pilipinas na bayan ko, unti-unting nag-iinit 

Nag-iinit ang labanan, kandidato’y nagngangalit 

Gumagawa ng paraan, upang boto ay makamit 

 

Unti-unting umuusad, unti-unting nalalapit 

Pilipinas na bayan ko, unti-unting nag-iinit 

Nag-iinit ang labanan, kandidato’y nagngangalit 

Gumagawa ng paraan, upang boto ay makamit

Dalawampu’t dalwang araw, ang araw na nalalabi

Ang araw na itinakda, sa pagpili ng mabuti 

Pilipino’y naghihintay, pagsapit ng Mayo nueve 

Sa balota’y isusulat, ang napiling presidente 

 

Oh kapwa ko Pilipino, oh mahal kong kababayan 

Tayo ngayo’y magka-isa, gamitin ang karapatan 

Boto nati’y pagalawin, sa darating na halalan 

Piliin ang kandidatong, hahawak sa ating bayan

 

Piliin at pag-aralan, ang tunay na pagkatao 

Kasama ang plataporma, ng nasabing kandidato 

Ito’y ating karapatan, pagkat ito’y ating boto 

Huwag tayong padadala, sa udyok ng kahit sino

 

Ngunit habang may panahon, habang tayo’y may oras pa 

Ating munang pag-aralan, ang kanilang plataporma 

Lahat sila’y may pangako, pag sila ay nahalal na 

Tayong mga mamayan, ang hahatol sa kanila

 

Kaya tayong Pilipino, mapalad ding masasabi 

Pagkat tayo’y binigyan, ng karapatang pansarili 

Kalayaang hawak natin, ito’y ating ipagbunyi 

Ito’y ating alagaan, sa kapwa’y ibahagi

 

Ang bukas ng ating anak, nasa ating mga palad 

Hawak natin sa ‘ting kamay, ang lapis na ipanunulat 

Ang desisyo’y nasa atin, sa loob ng ating utak 

Sa isip at sa ‘ting puso, suriin ang nararapat

 

Lima (5) silang kandidatong, pwede nating pagpilian 

Si Mar Roxas at si Grace Poe, si Duterte at si Miriam 

Si Binay ba’y inyo pa ring, isasama sa listahan? 

Kung Oo ang inyong sagot, inyo munang pag-isipan

 

Mahal naming PANGINOON, ang bahala ay IKAW na 

Kung sino ang nararapat, IKAW na po ang magpasya 

Hawakan mo ang kamay kong, magsusulat sa balota 

Pagkat itong aking lakas, ay kulang din kung wala KA

 

ni: Letty M. Manalo

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

UP Arco kampeon sa String Orchestra sa Florence Italy

Final Testing & Sealing ng mga Vote Counting Machine, sinaksihan ng Filipino Community sa Roma