Sa pagsapit ng Pasko at Bagong Taon, ay muling lumalabas ang pagiging mahihilig ng mga ofw sa ‘matamis’ o ‘dessert’. Isa ang Halayang Ube na kinikilalang bahagi ng mga okasyong ito. Nairto kung paano ito gawin:
Tinatayang paghahanda at pagluluto: 2 oras
Halayang Ube Ingredients:
1 kilo ube
1 lata (14 ounces) evaporated milk
2 lata (12 ounces) condensed milk
1 / 2 tasa ng mantikilya o margarina
1 / 2 kutsarita ng banilya (opsyonal)
Halayang Ube Cooking Instructions:
Sa isang kawali, pakuluan ang ube at hayaan ito sa loob ng 30 minuto. Alisan ng tubig at palamigin.
Balatan at gadgarin ng pino.
Mag-init ng kawali sa di-kalakasang apoy .
Unti-unting tunawan ng mantikilya o margarin, idagdag ang condensed milk at banilya. Haluing mabuti.
Idagdag ang 1 kilong ginadgad na ube, at hinaan ang apoy
Panatilihin ang paghahalo ng mga ingredients sa 30 minuto o hanggang lumagkit at matuyo ng kaunti (ngunit basa-basa pa rin).
Idagdag ang evaporated milk at magpatuloy sa paghalo ng 15 minuto.
Hayaang lumamig at ilagay sa isang malaking bandehado.
Palamigin muna bago ihain ang halayang ube.