20 hipon, katamtamang]ang laki
1 ½ puswelong labong, hiniwa
1 puswelong kabute, ibinabad
1 ½ puswelong gisantes, tuyo
2 butil na bawang, dinikdik
3 puswelong sabaw
1 sibuyas bumbay, ginayat
Magdamag na ibabad sa tubig ang gisantes na tuyo at patuluin kinabukasan. Ibabad din ang kabute sa tubig. Samantala. Igisa sa mantika ang bawang. Isunod ang sibuyas at sabaw. Idagdag ang gisantes. Takpan at bayaang kumulo. Isunod ang labong at kabute. Pakuluan uli. Timplahan ng asin.
Alisan ang balat ang hipon, ngunit iwan ang ulo. Samantala, magbati ng 2 itlog, samahan ng katas ng kalamansi, 1/3 puswelong arina at 1 ½ kutsaritang asin. Dito itutubog ang hipon, isa-isa, bago iprito. Ihanay sa isang bandehado at ibuhos ang pinalapot na gisantes.