in

Holy Stairs sa Roma, muling magbubukas sa April 11

Sa pagsapit ng Mahal na Araw ay bahagi na ng pananampalatayang Katoliko ang magtika. Ito ay bilang sakripisyo sa panahon kung kailan ginugunita ng mga Kristiyano ang sakripisyo at pagkamatay ni Hesus.

Sa panahon ng Mahal na Araw, ay tanyag ang pag-akyat ng nakaluhod sa Holy Stairs o Scala Santa sa Roma bilang tanda hindi lamang sakripisyo pati na rin ng debosyon.

Ang Hoy Stairs ay pinaniniwalaan ng mga Katoliko na inakyat ni Hesus sa araw ng Kanyang kamatayan sa pagpunta kay Pilato.

Ang Holy Stairs ay muling magbubukas ng 60 araw mula April 11, 2019 sa Roma at sa unang-unang pagkakataon ay tatanggalin ang kahoy na nakapatong sa 28 baitang na marmol nito.

Ito ay ninais ni Pope Innocent XIII noong 1723 upang proteksyunan sa pag-akyat ng nakaluhod ng mga pananampalataya. At mula noon, ay hindi na nakita ang tunay na histura ng hagdang marmol.

Ayon sa tradisyon ay mayroong 4 na patak ng dugo ni Hesus sa hagdan. Ang mga ito ay hinahagkan ng mga mananampalataya sa kanilang pag-akyat ng nakaluhod sa Scala Santa.

Ang mga patak na ito ay nilagyan din ng proteksyon at binalot ng krus, tanso, bato at ang ika-apat ng bakal, kung saan nagkaroon ng tila isang butas dahil inilalagay dito ng mga mananampalataya ang kanilang prayer requests. At sa ilalim ng hagdang kahoy ay nakuha ang libu-libong mga prayer requests”, kwento ni Rector nito.

Ito ay tanda lamang ng pananampalataya at matinding paniniwala sa aral ng Simbahan.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘Parcheggiatore abusivo’ na Pinoy, inaresto sa Roma

Deadline ng request sa Postal Voting sa Roma, nilinaw ni Ambassador Nolasco