in

IKAW, ang una at huli

Sa unang dilat ng aming mga mata,
Ikaw ina ang aming nasilayang una
Haplos at yakap mo ang aming unang naramdaman,
Pagmamahal at pag aaruga mo ang nagpatibay sa aming lahat

Sa aming paglaki, ikaw ang naging ilaw namin,
Pangaral mo ang siyang unang naging sandigan namin,
At sa bawat bagyo na aming pinagdaanan,
Di mo kami iniwan

alt

 

 

 

 

 

 

Ilang taon pa ang lumipas,
Pangaral mo, aming kinalimutan,
Sarili lang namin ang aming nasa isipan,
At pagmamahal mo, sa tabi aming iniwan

Dumating ulit ang bagyo,
sa halip na kami ang lumapit sa inyo
Paa mo’y humakbang papalapit sa aming tatlo,,
pagmamahal mo, pinaramdam mo
At pagkakasala’y ibinaon sa limot

Tunay ngang kaming mga anak ninyo’y di ninyo matitiis ng tuluyan,                                                                                                                    Pagmamahal ninyo kahit kelan di mawawala,
Bagkus sa bawat taon na lumilipas,
Lalong lumalala, lalong tumitibay

Salamat ina, tunay ngang wala kang katulad
Tama ngang tawagin kang ilaw,
Ilaw na bumubuhay sa bawat tahanan
At gabay sa aming buhay

PARA SA AMING INA:

Dami nang problema ang ating nalampasan, dami nang luha ang umagos, dami nang suliranin ang muntik nang magpataob sa ating pamilya. Pero eto pa rin tayo, lalong tumatatag, lalong lumalalim ang pagmamahalan sa bawat isa… At iyon ay dahil sa inyo… Salamat!!

Wala kami ngayon sa aming kinaroroonan kung hindi dahil sa inyo, kayo ang aming naging gabay, ang aming naging inspirasyon, at naging lakas sa bawat pagsubok na aming tinatahak. At kahit ilang kayamanan, di sapat para kayo’y aming mabayaran.

Wala kang katulad, oh aming INA!

Sa lahat po ng Nanay

HAPPY MOTHERS DAY and HAPPY FAMILY MONTH!

(ni: Yhang Garcia Alcayaga in Annak Ti Sta. Catalina Overseas Movement for Progress)
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isa akong Pinay at walang trabaho sa kasalukuyan, maaari ba akong mag-aplay para sa maternity allowance?

800,000 mga imigrante, nawawala sa huling Census