in

Ilang tips upang maiwasan ang impluse buying ngayong sale!

Bakit tila mas malaki ang nagagastos tuwing may sale kumpara sa normal na shopping season? Narito ang mga tips upang maiwasan ang impulse buying!

 

 

Bagaman tunay na nakakatuwang makita ang mga paboritong items sa mababang halaga ay kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat. Dahil ayon sa mga eksperto, ay karaniwang mas malaki ang nagagastos tuwing may sale kumpara sa normal na shopping season dahil sa pag-iisip na nakakatipid sa panahong ito.

Ayon pa sa mga eksperto mayroong ilang teorya na nauukol sa pag-uugali ng mga consumers. Una na rito ay ang pag-iisip na tila mas malaki ang budget dahil sa nakapagtipid at ang ikalawa ay ang emosyong dala ng kapaligiran – ang dekorasyon, musika at ang masang patuloy ang pamimili at tila hinahakot ang mga sales na malaki ang impact na nagtutulak sa mga consumers na higit na mamili.

Teoryang higit namang sinasamantala ng mga shops. Bukod pa sa ilang taktika: halimbawa, ang mga mas murang items o nasa sale ay kanilang inilalagay sa ibabang bahagi ng mga shelves o sa loob na bahagi ng store. Isang paraan upang ang mga mamimili ay makita ang halos lahat ng items sa loob ng shops.

Gayunpaman, para sa mga consumers ay narito ang ilang tulong upang hindi madala ng impulse buying:

• Gumawa ng shopping list: Iwasan ang bumili ng mga item na hindi naman kailangan na mananatiling nakatambak lamang sa inyong aparador. Tingnan at hanapin lamang ang kailangan. Huwag magpalinlang sa ‘buy one take 2’ offers ng maraming shops.

• Maging handa: Kapag nagso-shopping para sa isang partikular na item, dalhin ang item na nais ternohan ng bibilhin. Sa paraang ito ay mas magiging sigurado sa pagbili at maiiwasan ang bumili ng hindi kailangan.

• Lumikha ng ilang terno: Pilitin ang gumawa ng dalawa o higit na terno sa mga bagong bibilhin na uso o nasa moda. Sa ganitong paraan, siguradong masusuot ang mga bibilhin dahil maipa-partner ito sa dati ng damit at accessories upang manatiling trendy.

• Halaga ng pera: Suriin ang kalidad ng produkto. Worth ba ito sa presyo nito? Kung hindi maganda ang kalidad ay huwag itong bilhin kahit pa 70% off.

 Designer clothes: Pillin ang kalidad. Ngayon ang panahon upang bumili ng mga designer clothes dahil abot kaya na ang halaga nito. Ang mga branded ay karaniwang mas mataas ang kalidad at nananatli ng mas matagal na panahon.

• Basic & classic item: Huwag kalimutan ang mga basic clothes tulad ng tshirts, jeans at iba pa. Ang mga ito ay walang pinipiling panahon at palaging nagagamit sa maraming taon.

• Siguraduhing isusukat muna ang mga items na nais bilhin.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Winter sale 2017 sa Italya, simula bukas

26 anyos na Pinoy, nasagip sa pagpapakamatay ng awtoridad