in

International Dog Day, ginaganap tuwing August 26

Ang International Dog Day ay ginaganap tuwing August 26, taun-taon. Ito ay ipinagdiriwang upang bigyang halaga ang bawat aso, anuman ang lahi nito. Ito ay dahil na din sa walang kondisyong pagmamahal ng mga aso sa kanilang mga ‘padrone’. 

Layon ng International Dog Day ang bigyang pansin ang mga ‘canile’ o animal shelter home sa buong mundo at himukin din na mag-ampon ng itinuturing na man’s best friend. 

Ang pagdiriwang ay nagsimula bilang National Dog Day noong 2004 sa US sa pamamagitan ni Colleen Paige, isang pet expert at animal rescue advocate. Ito ang kanyang napiling petsa dahil ito ang araw ng pag-aampon sa kanyang unang aso na si ‘Sheltie’ mula sa animal shelter home.

Sa website ng National Dog Day ay inilarawan ang kanilang misyon bilang pagbibigay-alam sa publiko ng bilang ng mga aso na kailangang isalba taun-taon at kilalanin ang mga pamliya at mga aso na ginagawa ang lahat upang mailigtas ang mga buhay na ito, panatilihing ligtas at mapaayos ang buhay. 

Maaaring makiisa sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa mga animal shelter homes. Maaari ring mag-volunteer upang makatulong sa pag-aalaga ng mga aso. O kung may planong magkaroon ng pet at best friend, ‘adopt, not shop’, mag-ampon at huwag bumili. Ang pag-aampon ng isang aso ay pagtulong na rin sa isa pang aso para maampon rin, (na kukuha sa lugar ng nauna). (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

School Year 2020-2021 sa Italya, handa na ba?

bonus colf e badante

Bonus colf e badante, huling 2 araw ng aplikasyon!