Pinangangambahan ang patuloy na pagdami ng mga kabataang ina-isolate ang mga sarili mula sa lipunan. Tinatayang aabot sa 54,000 ang mga kabataang tinatawag na ‘hikikomori’.
Ang National Research Council Institute of Clinical Physiology of Pisa (Cnr-Ifc) ay nagsagawa ng unang national research na layuning magbigay ng quantitative estimation ng voluntary isolation ng mga kabataan.
Ang mga kabataang ina-isolate ang sarili mula sa lipunan ay tinatawag na “hikikomori“, isang japanese word na ang ibig sabihin ay social withdrawal. Ito ay tumutukoy sa mga teenagers o kabataan na nagpapasyang magkulong sa sariling bahay, huminto sa paglabas at pagpunta sa paaralan pati ang paglabas kasama ang mga kaibigan. Samakatwid, ang pagputol sa anumang relasyon sa mundo at magpatuloy sa komunikasyon esklusibong sa pamamagitan ng internet lamang.
Sanhi ng isolation at social withdrawal ng mga teenagers
May 12,000 mga kabataang inintervew na sumagot sa ilang mga katanungan.
“Ang 2.1% ng interviewees ay inaming nakita sa kanilang mga sarili ang Hikikomori. Ang projection ng datos sa mga 15-19 yrs old na populasyon ng mga mag-aaral sa national level ay tinatayang humigit-kumulang 54,000 na mga estudyante sa high school ay nasa sitwasyon ng social withdrawal.” Ito ang paliwanag ni Sabrina Molinaro, researcher ng Cnr-Ifc.
Ang datos ay kinumpirma ng mga sagot ng mga interviewees sa panahon ng social withdrawal: 18.7% ng mga nakapanayam ay nagsabi na hindi sila lumabas sa loob ng mahabang panahon, hindi kasama ang panahon ng pandemic, at 8.2% nito ay nagsabing hindi sila lumabas mula 1 hanggang 6 na buwan at higit pa. Batay sa mga datos, ang 1.7% ng kabuuang mga mag-aaral (44,000 kabataan sa national level) ay masasabing Hikikomori, habang 2.6% (67,000 kabataan) ay nanganganib na maging isa sa kanila”.
Ang karaniwang edad na pinakamapanganib ay nasa pagitan ng 15 at 17 taong gulang. Higit na apektado ng social isolation ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Kabilang sa mga sanhi nito ay ang feeling of inadequacy o pakiramdam ng pagiging ‘hindi angkop’. Sa katunayan, ang bullism ay hindi kabilang sa mga dahilan ng social isolation samantala, lumalabas na ang mahirap na pakikibagay o pakikipag-ugnayan sa mga ka-edad ang nagiging sanhi ng frustration at self-depreciation.
Basahin din:
Mga dapat Malaman Tungkol sa Depresyon sa mga Bata at Teens