in

Italyano, biktima ng “online love affair”

Online love affair

Ang internet ay isang mahalagang instrumento sa ating buhay. Ngunit kung hindi ito sasamahan ng pag-iingat ay maaaring magdulot ng pagkapahamak, sakit ng ulo at sakit ng puso, partikular kung ito ay isang ‘online love affair’.

Kumakailan lamang ay naging usap-usapan ang isang italian citizen na naging biktima ng panloloko online sa Abruzzo. Nagsimula ang lahat sa isang friend request sa social media. Sa isinagawang imbestigasyon ng “polizia postale” sa Chieti, ay hindi pa malinaw kung ang naging sangkot na babae ay isang pilipina. Ang tanging impormasyong hawak ng mga pulis ay ang bank account ng tumanggap ng malaking halaga. Ito ay nakapangalan sa isang pinoy.

Ayon sa salaysay ng biktima, ang babae ay nagpakilalang sundalo na kasama ng mga amerikano sa Afghanistan. Maraming naging kuwento ang manloloko pati na ang mga paghihirap na dinaranas umano sa pagatake ng mga kalaban. Lumalim ang kanilang pagiging magkaibigan, hanggang sa biglang maglaho ang babae. Sa muling paglitaw ng babae ay nabanggit nito ang nangyaring pagatake ng mga kalaban at nabaril umano ito sa paa. 

Makalipas ang ilang araw ay nabanggit ng “sundalo” na may reward sila mula sa gobyerno ngunit kailangan na maipadala ito sa ibang lugar sa labas ng base militar. Agad namang gumalaw ang biktima at sinabing maaari nang ipadala ng babae ang kailangang ipadala. Nagpasalamat ang babae sa malaking tulong ng kanyang tagapagsalba. Dito na pumasok ang “final cut”. Kailangang bayaran ang custom fee ng mga ipadadala na nagkakahalaga ng 4000 euro. Nakiusap ang babae kung maaaring paluwalan na muna ng kaibigan ang amount at ibabalik agad pagdating nito sa Italya. Sa una ay hindi pumayag ang biktima, ngunit nang lumaon ay nakumbinsi din ito. Ipinadala ang pera sa isang bank account ng isang pilipino na hindi na rin matunton sa ngayon. 

Kasabay ng paglaho ng mahal na sundalo ay ang pagkawala ng malaking pera ng biktima. Babala ng mga awtoridad, iwasang magpadala ng pera sa mga taong nakikilala lamang sa social media. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Booking ng bakuna kontra Covid19 ng mga over-50s, simula May 10

“Bigtime” Shabu dealer, timbog sa Milano