Ang ating mga smartphone ay isang mahalagang instrumento na bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Ngunit bukod dito, ang ating mga smart phone ay palaging malapit sa ating bibig at ilong partikular kapag ginagamit natin ito: tuwing tumatawag tayo at may tumatawag sa atin, sa pagpapadala ng voice message, kapag humihinga tayo, nauubo o nababahing. Ang screen ay madalas nating hawakan ng ating mga kamay at daliri. At kadalasan ay ginagamit din ito ng ibang miyembro ng pamliya at ilang kaibigan, dahil may ipapakitang message, picture o video.
Ayon sa mga researchers, ang covid 19 ay maaaring manatili umano sa screen ng mga smartphones hanggang 20 araw kung mananatili sa 20°, at hanggang 7 araw kung ang temperature ay humigit kumulang 30°.
Dahil dito, pinapaalalahanan partikular ang mga kabataan na ang pagpapahawak o pagpapahiram sa mga kaibigan o miyembro ng pamliya ng smartphone ay isang pag-uugaling dapat iwasan dahil maaaring makahawa ng virus.
Ayon sa mga producers ng smartphone, kanilang ipinapayo ang paggamit ng 70% alcohol upang linisin ng regular ang mga smart phones at hindi lang isang simpleng panglinis na spray, upang ma-disinfect ito sa anumang virus. (PGA)