PAALALA: Ang kwento pong ito ay isang kathang-isip lamang at walang katotohanan. Layuning magbigay-aliw sa mga mambabasa!
Je suis Charlie. Ito ang katagang bukang bibig ng halos buong Europa matapos ang madugong pagsalakay ng mga teroristang muslim sa Paris. Dalawang magkapatid na franco- albanese ang sumugod at pumatay sa mga journalists ng pahayagang Charlie Hebdon at bilang pakikiisa sa mga nasawi ay lumabas sa social media ang katagang ito.
Je suis Charlie. Ito ang nakasulat sa t-shirt na suot ni Charlie. Pinatungan na lamang ng isang mamahaling amerikana na lino na bumagay naman sa faded gray na Armani jeans. Sa kasuotan ni Charlie ay kitang-kita ang kanyang pagiging self-made man. May asawa at isang anak na lalaki, sa edad na 35 anyos ay nakabili na ng hinuhulugang bahay sa marangyang lugar sa EUR, may magarang sasakyan at may negosyong travel agency at remittance center. Solong anak siya ng mag asawang sina Grace at Mike na mula pa noong 1976 ay umalis ng Pilipinas upang hanapin ang swerte sa Italya.
“Spero che hai messo il t-shirt giusto perche ti chiami Charlie!” nakangiting wika ni Tanjim habang tinititigan ang nagbibihis na asawa. Nagmamadali din si Tanjim sa pagpili ng isusuot sa loob ng malaking room cabinet na punung puno ng mga bagong damit pambabae. May mga designer gowns na naroon subalit pinili niya ang isang traditional muslim dress kung saan ang velo na kakulay ng linong suot ng asawa ay masinop na nakapatong sa dibdib na hinawakan naman ng isang brooch na may nakasulat na I LOVE CHARLIE.
“Spero che hai messo il brooch giusto perche mi ami davvero” pabulong na sagot ni Charlie sa ngayon ay yakap na asawang muslim. Magsing edad sila at magkaklase pa noon sa Scuola Superiore, Turismo ang kinuha nilang kurso at pagkatapos ng superiore ay ipinagpatuloy na ni Charlie na palakihin ang business ng kanyang ama at tinapos din nito ang unibersidad bilang isang abogado. Ang kanyang asawang si Tanjim ang ngayon ay namamahala ng negosyong nagbibigay serbisyo sa mga pilipino at mga bengalesing kalahi niya at pawang naninirahan sa Roma at karatig pook.
InshAllah! Ito ang sinagot ni Tanjim noong magpahayag ng pag-ibig si Charlie. Kung nais ng Panginoon ang ibig sabihin nito at sadyang parang ninais ng Panginoon ang pag-iisang dibdib ng binatang katoliko at ng dalagang musulmana. Higit na pinagpala ng dalawang Diyos ang kanilang pagsasama ng isang malusog na anak na lalaki at isang malakas at umaasensong negosyo. Noong una ay ayaw na ayaw ng kanilang mga magulang subalit ipinaglaban nila ang kanilang damdamin sa maraming hadlang na opinyon batay na rin sa pagkakaiba ng kanilang pananampalataya at kultura.
“Che belli”, Masayang pumapalakpak ang kanilang anak na si Jerico nang makita ang kanyang mga magulang. Habang lumamabas ang dalawa buhat sa silid ay pinapanood sila ng mga magulang ni Charlie na naroon upang alagaan ang apo sa gabing iyon. Ito ay dahil tatanggap ng award ang mag-asawa buhat sa Confcommercio di Roma dahil na din sa malakas na negosyo ng mga ito.
“Papa senti il discorso di Charlie quant’e bello!” nakangiti si Tanjim habang hinihimas nito ang balikat ng asawa upang ilabas at basahin ang inihandang talumpati. Buhat sa loob na bulsa ng lalaki ay kinuha nito ang inihandang talumpati.
“Grazie per questo riconoscimento! La Global Multi Service Srl è un esempio di una buona pratica di integrazione. Iniziato da mio padre immigrato a Roma dal 1976 e adesso sotto la gestione di me e di mia moglie, esso offre servizi per la comunità filippina e bengalesi di Roma. La nostra sede è anche la sede di multiculturalità della capitale, segno che le culture possono convivere in pace e serenità. Più di questo, io e la mia amata Tanjim abbiamo capito che le diversità, nel nostro caso, uniti da un vero amore, possono anche una ragione in più per farsi che una attività commerciale come la nostra porti ricchezza alla città di Roma.
Quel che è successo a Parigi giorni fa sicuramente avrà delle ripercussioni. Ma è anche chiaro che l’attacco a Charlie Hebdon era un gesto terroristico e non porta nessuna traccia di fede ne religione che professano mia moglie e tanti altri dei nostri amici e clienti di fede musulmana. E’ nei momenti come questo che dobbiamo essere uniti per la pace ed e anche giusto rimboccare le maniche per lavorare tirando la economia del paese fuori dalla crisi prima di puntare il dito sulle diversità del vicino.
Il nostro matrimonio è benedetto di un figlio maschio, Jerico, che all’indomani prendere il mio posto auspicando un profitto un po’più grande e qualche altre sede in altre città italiana. la Global Multi Service Srl, con la benedizione del suo ALLAH e del mio GESU’ continuerrano a servire questa città e la economia di questo amato paese l’Italia. Grazie e InshAllah!!”
Tomasino de Roma
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]