Kailangan pa ba talagang hintayin ang pagsapit ng bagong taon para sa isang pangako ng magandang pagbabago?
Disyembre 30, 2016 – Sasalubungin na natin ang Bagong Taon at tulad ng kinagawian ng marami, famous na naman ang ‘New Year’s Resolution’.
Ano ba ang ibig sabihin nito? Ayon sa Wikipedia, ang New Year’s Resolution is a secular tradition, most common in the Western Hemisphere but also found in the Eastern Hemisphere, in which a person makes a promise to do an act of self-improvement or something beginning from New Year’s Day.
Kailangan pa ba talagang hintayin ang pagsapit ng bagong taon para sa isang pangako ng magandang pagbabago? Alam nating lahat na ang kasagutan ay ‘hindi’.
Ngunit dahil may kasabihang ‘bagong taon bagong buhay’, nakagawian na ng maraming kaakibat ng pagsalubong sa bagong taon ang pagkakaroon ng New Year’s resolution.
Narito ang ilang tips na maaring ituring na isang uri ng ‘New Year’s resolution’, na kung susubukang sundin ay tila magiging epektibo ang pagbabagong hangad para sa 2017! Isang taong may pagsusumikap at puno ng pag-asa!
Aksyon
May kasabihan tayong mga Pinoy: ‘Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa’. Idagdag pa natin ang sa wikang ingles: ‘Faith without action is dead’. At kung hindi sapat, narito pa ang Italian version nito: ‘Chiedi al Signore aiuto ma non startene seduto’. Walang dahilan upang sabihing hindi ito naiintindihan, maliban na lamang kung hindi ito nais intindihin… In short, kailangang kumilos! Kung nais may marating, bukod sa pagdarasal at pananalig, ay aksyon ang kailangan para maabot anuman ang ninanais. Huwag manatiling isang ‘Juan tamad’ na naghihintay sa pagbagsak ng mangga sa bibig habang prenteng-prenteng namamahinga sa ilalim sa puno nito. Tandaan na ang bawat pagod at pawis ay ginagantimpalaan ng maayos na tadhana.
Marahil dapat bawasan ang interes sa divertimenti o pagliliwaliw at pagpa-party at sa halip ay igugol ang panahon sa edukasyon sa sarili at pagsasagawa ng mga proyektong nais, halimbawa ng pagnenegosyo o pag-diskubre at pagpapalalim pa ng ibang expertise!
May mga effort na dapat gawin para makamit ang tagumpay sa buhay. Iwasang maging tulad ng isang Hudyo sa anekdota na iginugol ang mahabang panahon sa pananalangin para manalo sa loterya pero hindi naman bumibili ng lottery ticket.
Kalusugan
Para sa mga may problema sa kalusugan, hindi lamang sapat ang kumonsulta sa doktor at patuloy na sumailalim sa mga pagsusuri. Ipasok ang mahahalagang pagbabago sa pamumuhay nang naaayon sa ipinayong medical indication. Maaring sa pamamagitan ng wastong pag-inom ng gamot, tama at balanseng pagkain, pagtatanggal ng bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom. Marahil ito ay ang pag-iwas sa stress, pagbabawas ng pagiging workaholic o ang paghahandog sa sarili ng sapat na pahinga. Sa madaling salita, higit na alagaan ang sariling kalusugan.
Realidad
Magtakda ng mga priyoridad para sa maayos na pagsasagawa ng mga tungkulin at gawain. Mahalaga rin na pagiging realistiko at ito ay batay sa iyong mga kapabilidad. Subukang kilalanin ang sariling kakayanan at huwag ibitag ang sarili sa kakayanan ng iba.
Career
Huwag pagkaabalahan ang mga taong sa iyo ay sumasalungat o kumakalaban o yaong sa iyo ay may inggit o ang iyong mga katunggali na magiging balakid sa iyong magandang hangarin. Huwag matakot sa malalaking proyekto at huwag ring matakot mapansin o mapulaan ng iba. At laging tandaan na ang susi ay ang hindi madala ang damdamin sa papuri o kritisismo at manatiling nakatuon ang pansin sa paggampan ng tungkulin! Gawing huwaran ang tagumpay ng iba at huwag magpadala sa inggit. Manatiling magalang, mapagkumbaba, mapagbigay at masipag, pagpapahalaga ng kapwa at takot sa Diyos upang makamit ang estado ng may dignidad!
PGA