in

“Kalayaan 2021: Diwa sa Pagkakaisa at paghilom ng Bayan.”

“Kalayaan 2021: Diwa sa Pagkakaisa at paghilom ng Bayan.”

Ito ang tema sa paggunita ng ika-123 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, na ipinagdiriwang ng bawat Pilipino sa bawat sulok ng mundo tuwing ika-12 ng buwan ng Hunyo.  

Sa araw na ito ay mahalagang gunitain ang makasaysayang kaganapan noong 1898.

Ang unang Araw ng Kalayaan

Ang makasaysayang pagpapahayag ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay naganap noong Hunyo 12, 1898 kung kailan idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pagsasarili ng Pilipinas hinggil sa pananakop ng Espanya matapos itong magapi sa naganap na Sagupaan sa Manila Bay noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika.

Samantalang ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo, ang sinasabing tunay na kalayaan ay kinilala lamang ng bansang Amerika noong ika-4 ng Hulyo, 1946. Magmula noon, ang Araw ng Kalayaan ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 4, alang-alang sa nasyonalismo o pagkamakabansa at ayon na rin sa sangguni ng mga mananalaysay.

Ang Republic Act.No. 4166 ay nilagdaan upang maging batas ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964. Isinasaad sa nasabing batas na ang petsang Hunyo 12, ay kinikilala bilang Araw ng Watawat at siya ring Araw ng Kalayaan.

Ang deklarasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng paghahayag sa gitna ng pulutong ng mga tao noong Hunyo 12, 1898 sa pagitan ng alas kuwatro at alas singko ng hapon. Ginanap ang makasaysayang kaganapan sa ansestral na tahanan ni Pangulong Emilio Aguinaldo sa Caviete el Viejo (na ngayon ay Kawit, Cavite) tatlumpung kilometro sa katimugan ng Manila. Isa sa naging tampok na pangyayari ay ang paglaladlad sa Pambansang Watawat ng Pilipinasna ginawa sa Hongkong nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza at ang pagtatanghal ng Marcha Filipina Magdalo, ang tinaguriang pambansang awit ng Pilipinas na ngayon ay naging Lupang Hinirang, na isinulat ni Julian Felipe at tinugtog ng San Francisco de Malabon Marching band.

Pinangunahan ni Emilio Aguinaldo ang pormal na proklamasyon ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Siyamnapu at walong tao ang lumagda sa naturang proklamasyon.

Araw ng Watawat 

Bago pa man ang taong 1964, ang 12 Hunyo ay ginugunita na bilang Araw ng Watawat sa Pilipinas. Noong 1965 ay naglabas si Diosdado Macapagal ng Proklamasyon Blg 374, na siyang naglilipat ng Pambansang Araw ng Watawat sa 28 Mayo. Ito ang araw kung kailan noong 1898 ay unang winagayway ang Watawat ng Pilipinas sa labanan sa Alapan, Imus, Cavite

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 5]

Emilia Romagna, Lazio, Lombardia, Piemonte, Puglia at PA di Trento, zona bianca na rin

Simula June 14 at 15, ang mga regulasyon sa zona gialla at zona bianca