in

Kare Kare

Ang Kare Kare ay isa sa pinaka tanyag na pagkaing Pilipino at paboritong ihanda sa mga importanteng okasyon.

 

Masasabing orihinal na bersyon ang kare-kare recipe na ito dahil sa paggamit ng buntot ng baka bilang pangunahing ingredient. Ito ay gagamit rin ng giniling na mani at sinunog na bigas sa halip ng modernong peanut butter na karaniwang ginagamit sa kasalukuyan.

Ingredients para sa 10 katao

1 pirasong buntot ng baka

1 pirasong pata ng baka

4 pirasong talong

2 bundle ng sitaw

1 bundle ng pechay

¼  repolyo

6 tasang tubig

achueta seed na kinatas sa ½ basong tubig

¼ tasang mantika

1 ulo ng hiniwang bawang

1 buong hiniwang sibuyas

1 tasa ng giniling na mani

1 tasa ng sinunog at giniling na bigas

asin

puso ng saging

Instructions

  1. Pakuluan ang buntot at pata ng baka hanggang lumambot. Hiwain ito ayon sa nais na laki at itabi.
  2. Ibabad ang achuete seeds sa tubig at pigain upang kumatas ang kulay. Itabi ito.
  3. Hiwain ang mga gulay ayon sa nais na laki. Magpakulo ng tubig, ilagay ang sitaw at pakuluan ng katamtaman.
  4. Tanggalin ang sitaw sa tubig at itabi. Pakuluan din ng katamtaman ang talong, petchay at puso ng saging.
  5. Igisa ang bawang, sibuyas sa kumukulong mantika at lagyan ng kaunting asin. Pagkatapos ay ilagay ang katas ng achuete.
  6. Hayaang kumulo ng limang minuto. Ihalo ang giniling na mani at giniling na bigas.
  7. Hayaang kumulo at ilagay ang itinabing pata at buntot. Ilagay din ang mga gulay bago patayin ang apoy.
  8. Ihain ng mainit na may kasamang bagoong.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagpapalit ng residensya, ano ang proseso?

Gobyerno nananatiling tahimik sa buwis ng mga permit to stay