in

Katok ng Pagbabago sa 2016

Lumipas ang isang taon, Na hindi ko namalayan

Ang pag-usad ng sandali, At pagtakbo ng orasan

Oh kay bilis ng paglipas, Ng maraming mga buwan

At sa tangkay ng panahaon, Isa-isang naglaglagan

 

Mga hiram na sandali, Nag-iwan ng alaala

Nag-iwan ng pananabik, Ang sandaling masasaya

Sa gitna ng mga hamon, Patuloy na umaasa

Sa ngiti ay nakatago, Ang sakit na nadarama

 

Gagawin kong halimbawa, Ang panahong nakaraan

Magsisilbing inspirasyon, Ang magandang karanasan

Ang lungkot na bumabalot, Sa buo kong katauhan

Ibabaon ko sa limot, Lalagyan ko ng hangganan

 

Iiwan ko ang panahong, Nagdulot ng libong sakit

Aalisin ko sa isip, Alaalang sakdal pait

At sa taong twenty sixteen, Aabutin ko ang langit

Panibagong pangarap ko, Sa ulap ko iguguhit

 

Ang dakilang kaaway ko, Gagawin kong kaibigan

Ang sakit na idinulot, Aalisin ko sa isipan

Sa kanya ko ihahandog, Ang patawad na’king tangan

Ibibigay ko ring lahat, Ang ganap nyang kalayaan

 

Ang tiwalang nawala na, Ay pilit kong ibabalik

Ang takot na namumuo, Aalisin ko sa dibdib

Ang galit ay papal’tan ko, Ng matamis na pag-ibig

Pagmamahal sa puso ko, Ang sya kong isisilid

 

Ang tawag ng pagbabago, Kumakatok na sa atin

Sa langit ay makikita, Mga tala at bituin

Naghahatid ng liwanag, Ang panahong 2016

Ang gayumang dala-dala, Oh kay sarap na langhapin

 

Bagong Taon, Bagong Buhay, Ang sigaw ng bawat-isa

Pagpasok ng twenty sixteen, Salubungin ng masaya

Karapatan nating lahat, Na tayo ay lumigaya K

ung ano man ang kaloob, Tanggapin ng buong sigla

 

ni: LETTY MANIGBAS MANALO

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reddito di cittadinanza, ibibigay din sa mga imigrante sa Livorno

Matarella “ Italya, Bansa ng Imigrasyon: Pagtanggap, Pagpapatupad ng Batas at Integrasyon”