in

Kristo sa ating mga Puso (Ikalawang bahagi)

Ikalawang bahagi ng kwentong pang Mahal na Aral. Kathang-isip at layuning magbigay-aral sa panahon ng Kwaresma hanggang Pasko ng Pagkabuhay. Anumang pagkakatulad sa pangalan o kaganapan ay hindi sinasadya at isang pagkakataon lamang.

Hoy gising na kayo at nasa Roma na tayo!” ang sigaw ni Eva.  Pinagmamasdan lamang nj Fr. Rex si Eva habang maligsing inaayos ang kanyang mga gamit.  Sa pakiwari ng pari ay namasyal lamang ang dalaga sa France at dito ay walang naging epekto ang recollection. Ang mapanuring tingin ng pari ay napuna ni Eva kaya naman binawasan ng dalaga ang sobra niyang pagkilos.  “Fr. Rex , sa linggo ko na lang po ibibigay ang evaluation ko. Hindi ko natapos dahil sa hilik ng katabi ko. Ibig sabihin noon mahimbing din ang tulog ni Lord sa puso niya di ba Fr.?” Mahina na ang boses ni Eva subalit may halong biro parin ang turing nito.

Ang sabihin mo , ang Kristo sa puso mo ang hindi makatulog dahil nag aalala siya sa buhay mo. Huwag kang mawawala sa Linggo kung hindi ipapako kita sa krus!” ang pabirong tugon ng pari habang nag bibigay ng bendisyon sa papaalis na mga kasama sa biyahe. Kitang kita ang kaligayahan ng batang paroko dahil succesful ang pilgrim tour. Ang mga kasama sa biyahe ay parang walang bahid ng pagod sa kanilang mga mukha bagkus ay puno ng ngiti ang labi at buong kasayahang lumalayo sa inarkilang sasakyan.

Linggo ng muling pagkabuhay at halos ay alas otso pa lamang ng umaga ng muling tahakin ng sasakyan ni Eva ang kahabaan ng Cristoforo Colombo. Siya lamang ang laman ng kalsada dahil maging si Magdalena ay hindi na nakapagpigil kaya ‘t muling natulog pagkasakay sa kotse ng kaibigan at kasama sa trabaho.

Heto na naman ang pulubing ito” hindi maikaila ang inis sa pabulong na wika ng dalaga.  Malayo pa ang kotse ay tanaw na ni Eva ang pulubing kumakaway.  Wari ay sila lamang dalawa ang gising na kaluluwang laman ng mahabang kalsada. Parang nagbibiro din ang traffic light sa kanto at bigla itong naging pula kaya’t walang nagawa si Eva kundi ang tumigil sa tabi ng pulubi. Dati rati ay agad na isinasara ng dalaga ang salamin bilang tugon sa paghingi ng limos ng mga pulubi sa kalsada subalit hindi niya ito magawa. Hindi niya maialis ang kanyang tingin sa maaliwalas na mukha ng namamalimos.

Happy Easter Eva.” Ang banayad na bati ng pulubi habang dahan dahan niyang ibinukas ang kanyang kaliwang kamay upang humingi ng limos. Sa pagkakataong iyon ay parang binuhusan si Eva ng malamig na tubig.  Kitang kita niya ang sariwang sugat sa kamay ng lalaki, sugat na wari’y tagusan sa kabilang panig ng palad.  Bakit natukoy ng pulubi ang kanyang pangalan at nabati siya sa kinaugaliang pagbati ng araw ng muling pagkabuhay?  Doon ay walang nagawa si Eva kundi ang isubsob sa manibela ang mukha at humagulgol itong parang isang bata.

Hoy!  Eva! Anong nangyari sa iyo?”  Bigla ang pagkagising ni Magdalena sa lakas ng pag iyak ng kaibigan kaya napasigaw din ang tanong nito.  Walang tigil ang pagtapik at pagyugyog sa balikat ni Eva na may halo na ng paga alala.

Ang Pulubi!! Ang pulubi!!” ang paulit ulit na sigaw ni Eva habang ito ay lumalabas ng sasakyan upang magtungo sa likod ng malaking puno sa kanto ng kalsada. Alam niya na doon nagtatago ang pulubi kapag berde ang ilaw ng traffic light.  Ganoon na lamang ang panlulumo ng dalaga, napaluhod ito at talikop ang mga kamay sa mukha na ngayon ay walang tigil sa pagluha.  Wala ang pulubi sa likod ng puno. (Tomasino De Roma)

Happy Easter to all!!

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Kristo sa ating mga Puso (Unang bahagi)

Italian citizenship Ako ay Pilipino

Aplikasyon ng italian citizenship: Paano malalaman ang status at gaano katagal ang panahon ng pagsusuri?