in

Long Covid, ano ito? 

Marami ang nakakaranas ng pagkapagod, pagkawala ng panlasa o pang-amoy, cardio-respiratory distress kahit apat na linggo makalipas gumaling sa Covid at sa kabila ng negative Covid test. Marahil ito ay tumutukoy sa tinatawag na Long Covid

Ang listahan ng mga sintomas ng Long Covid, bukod sa mahaba ay kasalukuyang tinutukoy pa rin. Sa katunayan, pinondohan ng Ministry of Health ang isang proyekto na pinangungunahan ng Istituto Superiore della Sanità o ISS.

Ito ay pinondohan ng Ministry of Health upang masubaybayan ang mga long term effects ng Sars-CoV2. Dalawa ang layunin ng proyekto:

  • Ang mapalawak ang kaalaman ukol sa long covid
  • Magkaroon ng pamantayang medikal sa national level

Nagbigay ng bahagyang paliwanag si Silvio Brusaferro, presidente ng ISS sa okasyon ng pagtatanghal ng proyekto sa isang webinar, kung ano ang ibig sabihin ng Long Covid at kung kailan ito maaaring pag-usapan. Aniya nahaharap sa kondisyong ito kung apat na linggo pagkatapos ng impeksyon at sa kabila ng negatibong resulta ay nagpapatuloy pa rin ang mga sintomas

Maaaring makaranas umano ng iba’t ibang sintomas. Ito ay maaaring panghahapo o pagkapagod, maaari ring sa pag-iisip tulad ng problema sa memorya at kahirapan sa pag-concentrate, pagkawala ng pang-amoy at panlasa, sakit ng ulo at stress kasama rin ang hirap sa paghinga. 

Gayunpaman, ang mga sintomas ng long covid ay maaaring higit sa 100, kasama ang psychological at dermatological problems, ayon sa ilang pag-aaral. Pangkaraniwang sintomas ay ang panghahapo o pagkapagod ngunit pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang kawalan ng pang-amoy at panlasa na nagtatagal sa mahabang panahon. 

Ayon sa ilang eksperto, ang kawalan ng pang-amoy at panglasa matapos gumaling ay normal lamang. Ang anosmia o kawalan ng pang-amoy ay hindi umano hihigit sa 13-14 na buwan at ang hyposmia o parsyal na pagkawala ng pang-amoy na tumatagal makalipas ang 18-20 buwan. Ang sintomas naman sa ibang tao ay ang maling pang-amoy. 

Kasalukuyang pinag-aaralan kung ang mga sintomas ay bunga ba ng pinsalang hatid ng virus o ang mga ito mula sa immune response na na-trigger ng virus ngunit pagkatapos ay inilihis sa mga organo at tisyu.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

State of Emergency sa Italya, hindi na palalawigin 

Ukrainian community sa Italya, nagprotesta laban sa Russia