in

Maging Handa! Ihanda ang Emergency Kit

Ang pagiging handa ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng mga angkop na kagamitan na maaaring kailanganin sa anumang emerhensya o sakuna. 

 

 

Nobyembre 2, 2016 – Batay sa naging sitwasyon sa bansa simula Agosto 24 hanggang sa mga huling pagyanig na naganap nitong Oktubre 26 (dalawang malakas na pagyanig: magnitudes 5.4 at 5.9) at Oktubre 30 (na may lakas na magnitude 6.5) ay ipinapayong maghanda ng mga survivial o emergency kits na malaki ang maitutulong sa oras ng pangangailangan lalong higit sa ilang pagbabantay ng patuloy na mga aftershocks na nararamdaman halos sa buong bansang Italya. Ihanda ang mga ito sa isang madaling bitbiting emergency kit o bag na magagamit sa bahay man o kahit sa pagkakataon ng evacuation.

Ayon sa Red Croos, narito ang listahan ng mga pangunahing kagamitan na karaniwang nilalaman ng isang emergency kit. 

    • Tubig: Isang galon kada tao, bawat araw (3-araw na supply para sa evacuation, 2-linggong supply para sa bahay)
    • Pagkain: Hindi napapanis, madaling ihanda (3-araw na supply para sa evacuation, 2-linggong supply para sa bahay)
    • Ilang pirasong mga damit kasama ang underwer
    • Flashlight 
    • De-baterya na radio
    • Mga ekstrang baterya
    • First aid kit 
    • Mga gamot (pang 7-araw na supply) at medical items
    • Multi-purpose tool
    • Sanitizer at personal hygiene items tulad ng toothbrush at toothpaste
    • Orihinal at mga kopya ng mga personal na dokumento 
    • Cell phone at chargers
    • Family and emergency contact information
    • Extra cash
    • Emergency blanket
    • Sleeping bags
    • Pet supplies 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian language test para sa carta di soggiorno, ano ang proseso?

Maaari bang mag-aplay ng ‘residenza’ ang mga wala pang permit to stay?