in

Maging matatag, Kaibigang tapat

alt

Huwag malungkot kaibigang tapat
kung sa iyo ma’y walang pumapalakpak
at kakaunti ang nakakakita ng iyong pagsisikap
basta’t tama ang ginagawa’y magalak
dahil kahit matitinik na daa’y tinatahak lahat
upang magandang hangari’y maging ganap

Huwag sumuko, magpatuloy kaibigang tapat
ngunit mag-ingat ng hindi mapahamak
dahil pangungutya’t paninira sa iyo’y laganap
at walang tigil ang sa iyo’y paghamak
magkaroon ng determinasyong walang katapat
maging matibay at matatag sa mga pagsubok na hinaharap

Sulong, magpunyagi at huwag umatras kaibigang tapat
mga paa mo’y dapat may mga pakpak
isiping naglalakbay sa mga ulap
kahit mga paa’y sa lupa nakayapak
gawing mabilis at mahusay ang mga nararapat
upang makamit, maabot ang mga pangarap.

by Demetrio-Bong Ragudo Rafanan

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga dapat gawin kung biktima ng diskriminasyon

296 Filipino seamen ready for repatriation