in

Makati City, Selfie Capital of the World

Nangunguna ang Makati sa ginawang survey ng Time. Ika-walo naman ang Milan, Italy.

Marso 17, 2014 – Sa kasalukuyan ang Makati City, may populasyon ng 500,000, ang nangungunang selfie capital in the world, ayon sa ginawang survey ng “Time”.

Ito ay sa pamamagitan ng isang database na ginawa ng magazine kung saan 400,000 Instagram photos na nai-tagged bilang ‘selfies’.

Buhat dito ay naitala ang 459 lungsod.

Makati City ang nanguna sa listahan, kung saan umaabot sa 258 selfie-takers sa bawat 100,000 residente. Dahil dito ay tinawag na “Selfie capital of the world”.

Sinundan ito ng Manhattan kung saan mayroong 202 selfie-takers, ang Miami na nagtala ng 155,  ang Anaheim at Santa Ana, California na mayroong 147 "selfie-takers". Petaling Jaya, Malaysia (5), Tel Aviv, Israel (6), Manchester, England (7).

Samantala, ikawalo naman ang Milan, Italya kung saan mayroong 108 selfie-takers. Sinundan ito ng Cebu City, Philippines (9) at George Town, Malaysia (10).

Ang mga photos sa ginawang survey ay nai-post mula January 28 hanggang February 2 at March 3 hanggang 7.

Ang salitang selfie ay nangangahulugang self-shot photograph at tanyag sa mga social media users. Sa taong 2013, ito ay itinuring ng Oxford Dictionary bilang “word of the year”.

Matatandaang sa nakaraang Oscars, ang host na si Ellen DeGeneres, matapos ang isang selfie kasama ang mga itinuturing na Hollywood royalty tulad nina Brad Pitt at Meryl Streep ay gumawa ng record dahil ito ay na-retweeted ng higit sa 2 milyong beses.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Direct hire, sisimulan ang pagsusuri sa trabaho ng mga migrante

House bill, idineklara bilang pambansang simbolo ang ilang bagay