in

Malacañang, lumalayo sa isyu ni Willie

altGalit na galit pa rin ang TV host na si Willie Revillame matapos lumabas ang maiinit na bintang at isyu kaugnay sa umanong pang-aabuso sa isang anim na taong gulang na si Jan-Jan sa kanyang programa noong March 12.

Ayon kay Willie, walang katotohanan ang mga paratang at sinisiraan lang siya ng mga naging kalaban niya sa pulitika.

Lumalayo na rin ang Malacañang sa isyu. Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, nasa Movie and Television Review and Classification Board na ang pagpapasya ukol sa programa.

Nanindigan naman si Department of Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman na ito ay kanilang trabaho.Isa ang DSWD sa mga unang nag report ng child abuse sa pagpapasayaw sa batang si Jan-Jan sa programa.

Ayon pa kay Soliman maraming mga batas ukol sa children's rights ang hindi nasusunod at may mga pagpupulong ang DSWD at Commission on Human Rights sa iba't ibang government agency upang i-review ang mga guidelines ukol dito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DATI: “Ang Italya ay nag-iisa sa kasalukuyan ngunit isang pagkakamali ang pagbibigay ng temporary permit”

Roma, 5,000 € kapalit ng regularisasyon