in

Mandatory pa ba o hindi na, ang pagsusuot ng mask sa indoors sa Italya? Narito ang regulasyon. 

pagsusuot ng mask sa workplace

Sa Italya ay nasa huling buwan na ng pagsusuot ng mask sa indoors, batay sa programa ng gobyerno. 

Ang protective mask laban sa Covid ay mandatory pa din sa ilang mga aktibidad hanggang June 15, pagkatapos ito ay inaasahang magpapaalam na. Sa ngayon, ang regulasyon ay may bisa pa rin sa: pampublikong sasakyan, lokal at nasyunal (bus, metro, tren, eroplano, barko); cinema, theaters at mga concert halls; indoor sports hall; mga paaralan; trabaho; mga ospital at RSA. Kung para sa ibang bansa sa Europa ang pagsusuot ng mask ay tapos na, ito ay hindi pa sa Italya

Sa transportasyon, tulad sa mga cinema, theaters, concert hall at sports hall, ang Ffp2 mask ay mandatory pa rin hanggang June 15

Ang regulasyon ng European Union ay nagtatanggal na sa pagsusuot ng mask sa mga eroplano. Ngunit sa mga eroplanong mula at papuntang Italya, ang pasusuot ng mask ay nananatiling mandatory, dahil sa ordinansa ni Health Minister Speranza. Sa mga paaralan ito ay nananatiling balido hanggang sa magtapos ang scholastic year. 

Sa place of work, iba-iba rin ang mga patakaran. Para sa Public Administration ay may rekomendasyon – at samakatuwid ay walang obligasyon – na inilahad sa pamamagitan ng isang Circular ng Minister Brunetta, habang sa pribadong sektor naman ay pinalawig ang Covid protocol na nag-oobliga sa pagsusuot ng mask sa indoors at outdoors.

Sapat na ang surgical mask, maliban kung magkakaroon ng mga pagbabago. Kahit sa mga ospital at RSA, ay marahil na magpapatuloy ang pagsusuot ng mask, kahit surgical, hanggang sa katapusan ng taon, para sa iisang layunin, ang proteksyunan ang mga mahihina ang kalusugan. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

WHO, nag-iingat sa fourth dose ng bakuna kontra Covid19 para sa buong populasyon

Salary requirement 2022 para sa Permesso di Soggiorno UE per Lungo Soggiornanti