in

May planong bakasyon sa kabila ng banta ng Delta variant? Narito ang ilang tips.

Ako Ay Pilipino

Ang summer vacation ay panahong pinakahihintay ng marami – Italyano o Pilipino man, sa kabila ng patuloy na banta ng Delta variant. Ngunit sa kabila ng pagpapatupad ng maraming bansa sa Europa ng Green Pass, maraming bagay pa rin ang dapat isaalang-alang bago mag-biyahe upang maiwasan ang anumang hassle sa panahon ng bakasyon. 

Ayon sa ilang survey, 35% ng mga mamamayan sa Italya ang hindi nagdalawang-isip na magbakasyon sa labas ng bansa sa kabila ng banta ng Delta variant. Maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang bago magbiyahe sa panahon ng patuloy na banta ng Delta variant.

Narito ang limang tips bago magbiyahe

1. Dapat may plano sa kasong magkasakit

Una sa lahat, mahalagang maramdaman na protektado ng bakuna. Bagaman mayroong maliit na posibilidad na mahawa pa rin ng Covid19, ang bakuna ay nananatiling mahalagang armas upang mabawasan ang posibilidad na lumala ang sakit. Matapos ang mga pangyayari kamakailan tulad ng na-stranded na mga Italians sa Malta at Dubai, matatandaang ipinapayo ng Farnesina na ugaliing konsultahin ang website ViaggiSicuri.it bago magdesisyon at kumuha ng health insurance, sakaling tutuloy na magbiyahe.   

2. Sumailalim sa Covid test bago magbiyahe

Ipinapayo ang sumailalim sa test bago magbiyahe at siguraduhing ang hawak na test ay tumutugon sa requirement ng airline company at bansang napili. 

3. Bantayan ang anumang pagbabago sa mga regulasyon

Ang mga regulasyon sa pagpasok sa anumang bansa ay maaaring mabilis na mapalitan sa panahon ng Covid19. Mahalagang maging updated sa mga posibleng pagbabago. Muli, ipinapayo ang halaga ng pagkakaroon ng travel insurance. Bagaman magbabayad ng mas mataas, ito naman ay magpapahintulot upang makansel o mailipat sa ibang petsa ang biyahe. Sa ganitong paraan, kung ang bansa na napiling bisitahin ay nagkaroon ng restriksyon ay makakakuha ng refund sa bayad na tiket. 

4. Magsuot palagi ng mask 

Sa ibang bansa ay mahalagang magsuot ng mask para sa sariling kaligtasan at bilang pagsunod na rin sa mga pinaiiral na batas, partikular sa indoors. Mahalagang siguraduhin na ang dalang mask ay komportable at matibay. Siguraduhin din ang pagdadala ng mga extra masks. At tandaang isuot ito sa buong panahon ng biyahe.

5. Huwag hanapin ang pre-Covid experience

Ang pagbibiyahe sa panahon ng Covid19, partikular sa bagong surge na hatid ng Delta variant, maraming bansa at mga tourist spots ang nananatiling tila malungkot – halos walang tao, walang pila at wala ang mga nagkakagulong bakasyunista tulad mo. Tandaan na ang sektor ng turismo ang higit na naapektuhan ng Covid19 halos dalawang taon na at nananatiling maraming tao pa rin ang natatakot mamasyal at magbiyahe.  

Gayunpaman, gawin pa ring unforgettable ang bakasyon kahit sa panahon ng Covid19 nang handa sa anumang posibleng hindi inaasahang sorpresang maaaring ihatid nito. New normal ika nga! (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Apat na rehiyon ng Italya, red code para sa EU

Green Pass, narito ang nilalaman ng bagong decreto