in

Mga bagay na dapat sundin ng bawat Pilipino sa Italya sa kasagsagan ng Covid-19

Kasabay ng mabilis na pagkalat ng covid-19 sa Italya, narito ang mga bagay na dapat sundin ng bawat Pilipino upang maprotektahan ang mga sarili at mga mahal sa buhay mula sa virus:

  1. Panatilihin ang kalma. Palakasin ang immune system at ilayo ang sarili sa stress na maaaring idulot ng kasalukuyang sitwasyon. 
  2. Mainam na sundin ang mga pangunahing hakbang sa personal na kalinisan at sundin ang mahigpit na tagubilin ng Ministry of Health. – a) Iwasan ang pagpunta sa matataong lugar; b) Madalas na hugasan ang kamay gamit ang tubig at sabon ng 20 segundo. Kung hindi ito possible, ay maghanda palagi ng alcohol o sanitizers; c) Pansamantalang kalimutan ang kinaugaliang lifestyle at iwasan ang pakikipag-kamay, beso-beso at pagkayap bilang paraan ng pagaait; d) Sundin ang 1 metrong distansya sa bawat makaka-usap o makakahalubilo.
  3. Ilang karagdagang tips na dapat sundin: a) Kung malapit lamang ang pupuntahan, ugaliin ang maglakad kaysa sumakay ng public transportation; b) Iwasang hawakan ang mata, ilong at bibig gamit ang kamay na hindi pa nahuhugasang mabuti; c) Itapon agad ang ginamit na tissue sa pagbahin o pag-ubo.
  4. Maliban sa trabaho, iwasan ang mga hindi importanteng lakad at manatili sa bahay kasama ang mga anak na kasalukuyang walang pasok. 
  5. Hikayatin din ang mga miyembro ng pamilya, anak, kapatid at mga kamag-anak na gawin ang mga nabanggit. 
  6. Manatiling updated ukol sa mga kaganapan. Maging instrumento ng pagpapalaganap ng tama at wastong impormasyon. Siguraduhin na ang ikakalat sa social media ay hindi fake news. (PGA)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lombardy region at ilang probinsya sa North Italy, lockdown na!

Ano ang pagkakaiba ng seasonal flu o trangkaso sa COVID 19?