Ang muling makita at magkaroon ng komunikasyon sa mga mahal sa buhay, kamag-anak, kaibigan, kababata makalipas ang mahabang panahon ay isa sa positibong dulot ng social media accounts, partikular sa Facebook na pinakatanyag sa mga Pilipino. Anuman ang edad ng mga Pinoy ay masayang nagpo-post ng mga selfies at patuloy ang paga-update ng status. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, mayroong mga bagay na hindi dapat inilalagay sa social network for safety and security ng sarili at ng buong pamilya. Kaya’t payo ang maging maingat at upang mapanatili ang privacy, mayroong ilang bagay na dapat i-delete sa ating mga profiles…..
- Birthday
Bahagi ng mahahalagang sariling impormasyon ang petsa ng kaarawan, katulad ng buong pangalan at address. Ang simpleng datos na ito ay maaaring magbigay access sa ibang personal datas hanggang sa bank account. At pag nakuha na ang mga ito ay maaaring manakaw ang iyung identity at gamitin sa panloloko ang iyong pagkatao.
- Telephone number
Madaling makuha ng ibang tao ang telephone number kung ito ay nakalagay sa social network. Bagay na pabor na pabor sa mga stalker upang ikaw ay matawagan at masubaybayan.
- Ilan sa iyong mga Friends
Kilala mo bang talaga ang mga nasa friends list mo? Kaibigan mo ba silang talaga? Ayon sa isang pag-aaral, ang pagkakaroon ng 4-digit number of friends ay hindi advisable dahil halos 150 lamang ang kayang i-maintain ng isang tao upang magkaroon ng mahusay na relasyon. Ang mas madami umano sa bilang na ito ay mahirap na ding matandaan lahat.
- Larawan ng anak o ng menor de edad na ka-pamilya
Tunay namang nagdudulot ng tuwa ang larawan ng mga bata, kaya’t talaga namang marami ang naiingganya na mag-post sa social network. Ngunit dahil napakalawak ng mundo ng internet, hindi mo masisiguro ang audience nito. Marami ang nagkalat na pedophiles o child pornographers sa net, kung kaya’t ang pagpo post ng mga larawan ng mga menor de edad na naliligo o nakahubad, bukod pa sa buong pangalan at petsa ng kaarawan at pagta-tag ng lugar kung sila ay nasaan ay maaaring gamitin ng masasamang loob. Tandaan, na walang batas ukol sa pagre-repost ng picture ng anak ng iba sa facebook.
- Paaralan at address kung saan pumapasok ang anak
Madaling mapuntahan ninuman ang inyong mga anak kung ito ay nakalagay sa social network.