in

Nag-positibo sa Covid, ano ang regulasyon ngayong June 2022?

Bagaman pinag-uusapan ng gobyerno ang pagnanais na baguhin ang kasalukuyang regulasyon ukol sa araw ng isolation o ang pagtatanggal nito sakaling magpositibo sa Covid, ay walang anumang pagbabago sa regulasyon nito ngayong buwan ng June 2022. 

Direct contact sa isang positibo? Self-monitoring

Sa katunayan, ang sinumang magkaroon ng direct contact sa taong positibo sa Covid19 ay hindi na kailangang sumailalim sa ‘preventive quarantine’. Samakatwid, kung walang sintomas ng Covid19 ay hindi kinakailangan ang magkulong sa loob ng bahay. 

Gayunpaman, sa mga ganitong sitwasyon, ayon sa Italian Ministry of Health ay kailangang sumailalim sa self-monitoring o autosorveglianza, sa loob ng sampung (10) araw at ang gumamit ng FFP2 protective mask kahit sa indoors. Ipinapayo din ang bantayan ang pakiramdam at ang posibleng pagkakaroon ng anumang sintomas. 

Positibo sa Covid19, ilang araw ang home isolation? 

Samantala, ayon sa regulasyon ay kailangang sumailalim sa home isolation sakaling mag-positibo matapos ang isang official Covid test (rapid o molecular). Walang pagbabago kung ilang araw dapat magkulong sa kwarto ang nag-positibo:

  • atleast 7 araw matapos ang unang official covid test kung bakunado ng booster shot o kung ang second dose ay natanggap nang hindi lalampas sa 4 na buwan o 120 days;
  • atleast 10 araw sa mga hindi bakunado at sinumang nabakunahan ng unang dalawang dosis nang wala pang 14 na araw o higit na sa 4 na buwan o 120 days. 

Makalipas ang minimum na panahong nabanggit sa itaas ay maaari lamang na lumabas ng bahay sa pagkakaroon ng negatibong resulta sa official covid test, at ito ay maaari lamang gawin kung wala ng sintomas. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4]

Ako Ay Pilipino

Maaari bang magtrabaho sa ibang bansa sa EU ang may permesso di soggiorno na inisyu sa Italy?

Bakasyon ng mga colf, posible bang hindi gamitin at bayaran ng employer?