Isang araw ay muli niyang nadama ang sakit ng puso at damdamin. Parang mas higit pa sa sakit nang malaman niya ang pangangaliwa ng asawa sa Pilipinas. Sa ibabaw ng mesa sa kusina, kung saan ay malimit silang magkape habang breaktime ay nakita niya ang liquidation papers ni Reggie. Apat na taon ang nakasaad sa kuwenta ng T F R. Apat na taon din nagpasaya sa buhay ni Dina. Ang pabirong ligaw ng balo ay sapat na upang makalimutan ni Dina ang sakit na dulot ng “pangingibang bahay” ng kanyang asawa.
“Signora chiedo scusa ma sta andando via Regino?” may pag alalang hinarap ng badante ang among babae.
“Non ti preoccupare daremo tutto quel che è scritto sul T F R” kalmado ang sagot ng senyora.
“Non so cosa è sucesso ma se va via Regino vado via anche io!” may banta sa tinig ni Dina . Alam niya na sa loob ng maraming taon na pag aalaga sa naaksidenteng senyora ay kaya niyang baguhin ang desisyon ng mag asawa. Napatunayan na niya ito ng maraming pagkakataon. Ugali ito ng mga katulong na Filipino, ang magpaalam kung may gustong hilingin sa amo.
“Calmati Dina, aspetti Regino e lasci che sia lui a spiegarti” may ngiti sa labi ni Sra Rossi. Sa inasal ni Dina ay natuon niya ang damdaming taglay ng kanyang badante para sa katulong.
Walang tigil at paikot ikot sa balkon ng magarang villa si Dina habang hinihintay ang pagbabalik ni Reggie. Tumigil lamang ito nang makita niya ang tumatakbong asong higit ang kababayan.
“Anong dahilan? Bakit aalis ka” Hindi na napigilan pa ni Dina ang pag ibig sa kanyang puso. Mahigpit nitong niyakap ang lalaki at luhaang isinubsob ang mukha sa dibdib ni Reggie.
“Hindi naman ako aalis, mag iiba lamang ako ng trabaho.” Mahigpit na rin ang yakap ni Reggie kay Dina habang patuloy ng paliwanag. “Inalok ako ni Dottore na magsosyo sa canine hotel and training school na itatayo niya sa lupa sa Viterbo at ako ang mag mamanage at since malapit lamang ang Viterbo dito sa Olgiata e dito rin ako uuwi gabi gabi”.
May halong hiya ang ngiti ni Dina. Hindi na niya kaya pang bawiin ang damdaming nilalaman ng kanyang mga yakap. Ang kanyang ikinilos ay halos katumbas nang paglalahad ng pag ibig sa kanyang puso. “Ewan ko ba, kung paano mo tinuruan si Rocky na sumunod sa hand gestures mo di ko rin alam kung paano kita natutong mahalin” may lambing sa tinig nj Dina.
“Mas higit na mura ang mortadellang ginamit ko para turuan si Rocky. Para makuha ko ang attention mo ay ANIM na bote ng aking pabango ang naubos ko dahil palihim ko iyong ini spray sa punda ng unan mo, sa kurtina sa bgno, sa maniglia ng pinto mo at maging sa handles ng wheelchair ni senyora. “ Nakangiting ibinulgar ni Reggie ang lihim na panlligaw niya kay Dina. “Mas mabilis matuto si Rocky pero okey lang at least alam ko na natutunan mo rin akong mahalin” Nakangiti si Reggie habang banayad niyang hinagkan sa labi si Dina, ang unang premyong natanggap ng tinuruang puso.
Ang may akda,
Tomasino De Roma