in

Nora Aunor, kinilalang Best Actress ng 36th Gawad Urian Awards

Manila – Hunyo 20, 2013 – Matagumpay na ginanap ang 36th Gawad Urian Awards sa NBC Tent, Bonifacio Global City, noong Martes ng gabi.

Ang superstar na si Nora Aunor ang nag-uwi ng Best Actress award para sa International acclaimed film na "Thy Womb" habang Best Production Design naman para sa direktor nitong si Brillante Mendoza.

Nakuha ni Jericho Rosales ang Best Actor award para sa "Alagwa" na umiikot ang istorya tungkol sa human-trafficking.

Tinanghal na Best Supporting Actress si Alessandra de Rossi sa pagganap sa "Sta. Nina" habang ang Best Supporting Actor ay ibinigay naman kay Art Acuna para sa Cinemalaya film na "Posas".

Kinilala ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) bilang best film ang "Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim" na isa ring entry para sa 2012 Cinema One Originals Film Festival. Ito ay isang pelikula ukol sa istorya ng buhay at mga pagsubok ng mga kababayang Moro sa Mindanao. Ang istorya au umikot sa isang 9-taong gulang na bata na nagnanais na makapaghiganti sa mga pumatay sa kanyang mga magulang.

Ginawaran ng Best Director award si Adolfo Alix Jr. para sa pelikulang "Mater Dolorosa" na ukol sa isang family crime story.

Kinilala ng MPP ang beteranang aktres na si Mila del Sol bilang Natatanging Gawad Urian Award para sa Special Award for Film dahil sa halos 50 taon nito sa industriya.

Narito ang iba pang mga nagwagi sa isinagawang 2013 Gawad Urian bilang parangal sa independent film industry:

Best Documentary: "Harana" by Benito Bautista
Best Short Film: "Ritmo" by Remton Siega Zuasola
Best Sound: Willy Fernandez, Bong Sungcang, Ferdinand Marcos Sabarongis – "Florentina Hubaldo"
Best Music:Diwa de Leon – "Baybayin"
Best Editing: Aleks Castaneda – "Kalayaan"
Best Production Design: Brillante Mendoza – "Thy Womb"
Best Cinematography: Whammy Alcazaren – "Colossal"
Best Screenplay: Mes de Guzman – "Diablo"
Best Film: "Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim" by Arnel Mardoquio
Special Award for Film – Natatanging Gawad Urian (Lifetime Achievement Award): Mila del Sol

Mapapanood ang 36th Gawad Urian Awards night sa Hunyo 22, alas-3:00 ng hapon at alas-11:00 ng gabi; gayundin sa Hunyo 23, alas-10:00 ng gabi at Hunyo 26, alas-7:00 ng gabi.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

July 5 deadline ng pre-enrollment mula sa ibang bansa para sa mga unibersidad sa Italya

12 Ambassador at isang consul general sa Gitnang Silangan, pinababalik sa Pilipinas